Entertainment

Maria Isabel Lopez takes pride in doing sexy films

Umariba si Maria Isabel Lopez sa sandamukal na bold projects noong dekada ‘80.

Tumatak nang lubos sa mga manonood ang 1985 films niya na Isla (directed by Celso Ad. Castillo), Silip (directed by Elwood Perez), at Hubo sa Dilim (directed by Tata Esteban).

Memorable din ang pagtatalop niya at pakikipaglampungan sa 1986 films na Dingding Lang Ang Pagitan (directed by Ruben Abalos) at Mga Nakaw na Sandali (directed by Nilo Saez).

“Noong dekada ‘80, bata pa ako nun. Ang motivation ko talaga nun is hindi para maging magaling na artista,” pag-amin ni Maria Isabel sa online launch ng aklat ni Boy Villasanta na SekSinema: Gender Images in Philippine Sex Cinema Enfolding Pandemia nitong Disyembre 15, Miyerkules.

“Ang motivation ko naman talaga nun is para kumita. Para ma-augment ko yung aking income.

“So, kumbaga, ahh, it’s just a stepping stone in the tradition of Alma Moreno na mga inosente, or in the tradition of… alam mo naman, lahat, nag-umpisa diyan.

Continue reading below ↓

“Stepping stone ‘yan. Magpa-sexy ka muna and once you have the name, kumbaga, nung panahon na yun, nung dekada ‘80, I wasn’t really taking it that seriously. It’s more like a bread trip.

“And it was only later in life na you also evolve as an actress. And I’m so proud nga na I had a chance to work with Coco Martin in the Brillante Mendoza film Kinatay [2009].

“I was 50 years old when I did that. Imagine, singkuwenta anyos, napaghubad pa ako nitong si Brillante Mendoza?!

“And he happened to be the first director to give me my acting award. Not one, but a couple of acting awards and nominations.”

kinatay

Maria Isabel Lopez in Kinatay

“So, yung journey na ‘yan is… mahirap dahil you’re always targeted ng guardians ng morals.

“There’s pressure of family. Whenever palabas sa Experimental Cinema of the Philippines ang pelikula ko, and I’ll invite my dad, ‘Come, you watch my film, I have a premiere!’

“Dad would say, ‘No, ayokong manood. Ayokong manood.’

“I brought my mom to the screening of Isla. My mom was in denial! Hindi halos nanood. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER?

Hindi kagaya ng kanyang mga magulang, suportado ni Isabel ang pagpapaseksi ng kanyang anak na si Mara Lopez.

“So, now… I would like to say na sa young generation, si Mara, nag-umpisa rin siya diyan, sa Palitan [2012].

“Suwerte naman yung anak ko dahil sa Cinema One, first sexy film niya, nakuha agad niya yung best actress award.

“Kumbaga, she’s a more serious actress than me kaya, kumbaga, maaga yung kanyang consciousness na stepping stone nga ito, pero ‘I have to evolve also and yung seryosohin ko talaga yung aking pagganap.’

Continue reading below ↓

“So, when it’s her turn naman to do this sexy film, the original Palitan by Ato Bautista, not the Palitan of Brillante Mendoza… I was there supporting Mara.

“Baligtad! Hindi kagaya nung nanay ko, in denial, ayaw buksan yung mata! Ako naman, modern generation, I was there, telling Mara, dressing her up, ‘Come on, do this, do that!’

“And I’m also very proud because she earned it. My daughter earned it.”

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Isabel, “Ngayon, fast forward tayo ngayon… siyempre, yung newer generation ngayon… I would say na para talagang… yung history repeats itself.

“Kaya lang, nakakatuwa! Kasi, ang mga direktor ngayon, they have like more freedom. More freedom to express themselves!

“There’s like, ahh… you give every artist an opportunity to really work on their craft na hindi nagkakaroon ng constraints sa budget.

“Dahil napakagastos talaga ng pelikula, and remember, I just wanna say this to the younger generation.

“Ang pagiging famous, it’s very short-lived. Popularity, everybody works for that, but ang importante rito is longevity.

“Longevity, yung paano ka tumagal.”

SURVIVING SHOWBIZ

Speaking of longevity, what is it with Maria Isabel kaya naka-survive siya sa showbiz? Marami sa kasabayan niya, nagpahinga na.

“Siguro, ahhm, tawag nito… you have to constantly reinvent yourself,” mabining sambit ni Maria Isabel.

“You have to grow. Kasi, kung halimbawa, kung hindi ka mag-grow… kunyari, ang genre mo is like pa-tweetums-tweetums ka, hindi ka forever.

Continue reading below ↓

“Kung ako, paseksi nang paseksi, kumbaga, people would want to see you grow. Even as filmmakers… kailangang mag-grow.

“Kumbaga, ikukumpara ‘yan sa una mong nagawa. As long as you continue to grow — as an actor, whatever you choose — kumbaga, you will always like, ahhm… be there to stay.

“People will be curious. There will be so much to share. Saka ang pinakamaganda is… andiyan ang love natin for the industry kahit dumaan na tayo sa highs and lows.

“There was a time, walang trabaho ang mga artista! Walang pino-produce. Bukas pa ang ABS-CBN, pero anong nangyari? Walang trabaho.

“There was a time na we had a slump in Philippine movies. So many were unemployed.

“Kumbaga, nagkaroon na naman ng revival because of independent filmmakers. Kumbaga, nag-grow na naman, nag-progress na naman, nabuhay na naman.

“Tapos ngayon, e, people are now more creative. So, kumbaga, tulungan lang ‘yan.

“There are times na I also support yung… compared to when I was younger, talagang kailangan fat yung talent fee.

Continue reading below ↓

“Pag in-offer sa akin ang sex film, ‘Ilan ang love scene?’ ‘O, bakit may shower scene pa rito, may scene na ako sa dagat, magla-love scene?’ ‘Bakit ganito?’

“Kinu-question ko ‘yan, may breakdown. Para kang ano… para kang… pagka pumasok ka sa contract, may breakdown ‘yan.

“Kung may sequence breakdown ako as a sexy actress, may sequence breakdown din ako. ‘Ano ba ‘to, may love scene na ako sa kusina, may love scene pa ako sa ganito?!’

“Kumbaga, ang nangyayari ngayon is… ang mga artista noong araw, kaya iba-ibang generations… yung respeto…

“Ang respeto sa artista is… ahhm, ang tao will always judge. Pero I think ang respeto should start from yourself.”

GRADUATE FROM SEXY ROLES?

Sa puntong ito ng career niya na isa na siyang senior citizen, akting na lang ang ipapakita niya? Na graduate na siya sa paghuhubad? Hindi na niya uulitin ang ginawa niya sa Kinatay?

Napahagalpak muli ng tawa si Maria Isabel, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Bakit ba?! Pag in-offer ako ni Brillante Mendoza ng Palitan Part 2, BAKIT HINDI?!

Continue reading below ↓

“Ang waist line ko, hindi nabago! Mula nung dekada ‘80, nasa millennial na tayo… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Kasi naman, nahubog siya ng mahuhusay na direktor. Andiyan si Ishmael Bernal sa Working Girls (1984).

“Yeah, and I was also privileged to work with Marilou Diaz-Abaya,” matamis na pagngiti ni Maria Isabel.

“Pero meron lang akong artista na gustong i-quote. In-invite ko actually siya para sa Zoom meeting na ito, kaya lang, hindi siya masyadong techie.

“At saka medyo may reluctancy siya. Kasi, tinanong niya, baka raw medyo sensitive itong sex na topic.

“Si Sarsi Emmanuelle! Minessage ko siya, nagkumustahan kami.

“Nung dekada ‘80, sinabi ‘yan sa akin ni Sarsi sa set ng Elwood Perez movie namin na Silip

“Sabi sa akin ni Sarsi, ‘Baka akala nila, madali itong ginagawa natin. Yung mga artista, sila, dumadrama lang sila. Umiiyak lang sila. Tayo, umiiyak na tayo, naghuhubad pa tayo sabay!’

“So, mas mahirap daw yung trabaho ng bold star! Kasi, umiiyak ka na, umaakting ka na… naghuhubad ka pa!”

Continue reading below ↓

silip

Sarsi Emmanuelle and Maria Isabel Lopez in Silip

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.