Entertainment

Marian Rivera cheers on Beatrice Luigi Gomez

All-out support si Marian Rivera sa pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez kahit hindi nito naiuwi ang korona sa katatapos lamang na Miss Universe 2021 pageant.

Nakaabot si Bea hanggang sa Top 5, pero hindi na siya umusad sa Top 3.

Si Marian naman ay isa sa miyembro ng selection committee ng 70th Miss Universe.

Si Harnaaz Sandhu ng India ang kinoronahang bagong Miss Universe.

Sa pagtatapos ng coronation night, umakyat sa entablado si Marian para batiin at kausapin si Beatrice.

Kita sa ipinost na video na nagkaroon ng moment ang Kapuso Primetime Queen at ang Cebuana beauty queen sa isang bahagi ng stage.

Todo-yakap si Marian kay Beatrice sa harap ng Pinoy supporters sa audience.

Nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ang dalawa, subalit hindi ito dinig sa gitna ng ingay.

Pero sa isang punto ng video, hinarap ni Marian ang Pinoy supporters.

Sabi ni Marian sa fans: “Proud tayo, di ba?”

Continue reading below ↓

Sinundan naman ito ng hiyawan bilang pagsang-ayon sa pahayag ni Marian.

Marian Rivera Bea Luigi Gomez

Bakas naman sa mukha ni Beatrice ang kaligayahan dahil napabilang siya sa Top 5 finalists.

Sa kabilang banda, ang pag-upo ni Marian bilang hurado sa Miss Universe 2021 ay isa sa highlights ng pageant para sa Filipino fans.

Sa katunayan, top trending topic si Marian sa Pilipinas ngayong December 13, araw ng international pageant.

Masaya ang mga Pilipino na dalawang Pinay—sina Marian at Beatrice—ang nagbigay ng karangan sa bansa sa Miss Universe 2021 pageant.

marian rivera trending

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close