Entertainment

Mayor Isko Moreno requested to move playdate of biopic in 2022

Naurong ang pagpapalabas sa sinehan ng Yorme: The Movie, ang biopic ni Manila Mayor at presidential aspirant na si Francisco Domagoso, o mas kilala bilang Isko Moreno.

Kagabi, November 30, ginanap ang premiere night ng pelikula sa SM City Manila, at ngayon sanang December 1 ang first day ng regular screening nito sa mga sinehan.

Naglabasan ang kung anu-anong espekulasyon kung bakit hindi naipalabas ngayong araw ang Yorme.

Ayon sa isang source, si Mayor Isko mismo ang kumausap sa producer, ang Saranggola Media Productions, na sa 2022 na ipalabas ang Yorme.

Gusto raw ni Mayor Isko na mas maraming youth and young adults ang makapanood at ma-inspire sa kuwento ng kanyang buhay na ipinakita sa pamamagitan ng movie musical.

Noon lamang November 3 nagsimula ang nationwide roll-out ng vaccination sa teenagers, na may edad 12 to 17 years old. Tanging vaccinated moviegoers lang ang papayagang manood sa mga sinehan.

Nais din ng alkalde na hintaying may direktiba na ang IATF na papayagan na ang mas malaking audience capacity ng mga sinehan para mas marami pang tao ang makakapanood sa Yorme.

Continue reading below ↓

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang mga namumuno sa produksiyon ng Yorme.

Hindi naman kami nabigo at nakunan namin ng eksklusibong pahayag ang Saranggola Media Productions producer na si Edith Fider at ang direktor ng pelikula na si Joven Tan.

Hiwalay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Fider at Direk Joven sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa Messenger.

Ano ang dahilan bakit nakansela ang pagpapalabas ng pelikula ngayong araw?

Sagot ni Fider: “We had to reschedule upon request of Yorme himself. Hindi naman niya ipinilit.

“Reading between the lines, parang disappointed siya… He convinced us to move the date until most of the youth are vaccinated already.

“Initially, yun naman talaga kasi ang gusto niyang mangyari, yung makapulutan ng aral ng mga kabataan ang buhay niya.

“Then, we are showing, without them…”

Si Mayor Isko raw ang nagsuhestiyon na hintaying mas madami na ang kabataang nabakunahan para mahikayat ang mga ito na mapanood ang biopic.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Fider, “So, sabi niya, kung puwede mas marami na nabakunahang kabataan ang makapanood.

“Siyempre, hindi ako makakatanggi sa Yorme natin at tama naman na pwede namang hintayin…

“Nakakalungkot, especially when we advised the cinemas at sinabing ang dami na nilang online reservation.”

Ibinalita ni Fider sa PEP.ph ang bagong playdate ng pelikula.

Aniya: “It will be shown on Jan 26, 2022 instead!”

Sang-ayon naman si Direk Joven sa ideya ni Mayor Isko na i-move ang playdate ng pelikula para mas maraming mga kabataan ang makapanood nito.

Siguro yung agree ako sa idea na mas madaming kabataan ang makapanood, mas better sa movie,” ani Joven.

Ang mga bida sa musical film ay sina Xian Lim, McCoy de Leon, at Raikko Mateo, na siyang mga gumanap sa bawat yugto ng buhay ni Mayor Isko.

advance BLOCK SCREENINGS of yorme: the movie

Hindi man natuloy ang first day ng screening ng Yorme: The Movie, nakatakdang magkaroon ito ng advance screenings sa buong buwan ng Disyembre, bago magsimula ang Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

“Meanwhile, advance screenings muna simula bukas hanggang sa December 24.

“May 17 block screenings ng nakaschedule sa iba’t ibang lugar!” masayang dagdag pa ni Fider.

Bilang producer ng pelikula, nagpasalamat si Fider kay McCoy dahil may pitong advance block screenings ang inorganisa ng fans nito.

Tukoy pa ni Fider sa ibang grupong nag-organisa ng gaganaping advance block screenings, “Sa mga supporters ni Yorme, lalo na sa mga schoolmates niya sa Tondo, yung grupo ng mga tricycle drivers, mga senior citizens, at iba pang mga samahan.”

MAYOR ISKO ATTENDED THE PREMIERE NIGHT

Masaya sina Fider at Direk Joven sa naging reaksiyon ng audience sa premiere ng pelikula kagabi, November 30.

Dinaluhan ito ni Mayor Isko.

Sa isang TV interview, inamin ng Manila City mayor na napaluha siya habang pinapanood ang pelikula.

Bumalik daw sa kanyang alaala ang mga pinagdaanan niya sa buhay.

Dumating si McCoy de Leon sa premiere night at karamihan sa mga manonood ay impressed sa husay nito bilang teen Yorme.

Continue reading below ↓

Hindi naman nakarating si Xian dahil nasa lock-in taping ito sa Pampanga para sa False Positive, ang teleseryeng pagbibidahan nito kasama si Glaiza de Castro.

Sa Enero 26, 2022 na ito ipalalabas sa lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close