Entertainment

Mayor Vico Sotto distances self from national politics

Pinili ni Pasig City Mayor Vico Sotto na dumistansiya muna sa national politics ngayong 2022 elections.

Paliwanag ng alkalde, mas mabuti nang hindi maipit sa nag-uumpugang bato dahil magkaiba ang sinusuportahan ng kanyang partido at ng kanyang pamilya.

Si Mayor Vico ay kasapi ng Aksyon Demokratiko, bilang executive vice president, na ang kandidato sa pagka-presidente ay si Manila Mayor Isko Moreno, at si Dr. Willie Ong naman sa pagka-bise presidente.

Ang tiyuhin naman niyang si Senate President Tito Sotto ay Nationalist People’s Coalition (NPC) chairman, at tumatakbong vice president bilang ka-tandem ng presidentiable na si Senator Ping Lacson.

Si Mayor Vico ay anak nina Coney Reyes at Vic Sotto, na nakababatang kapatid ni Tito.

Sa panayam ng ABS-CBN News ngayong araw, November 5, inilahad ni Mayor Vico na nagpaalam siya sa partido at sa kanyang pamilya sa naging desisyon niya.

Sabi nito, “Basta nagpaalam ako sa lahat—nagpaalam ako sa party ko, nagpaalam ako sa tito ko—na hindi muna ako makikigulo sa national politics.

Continue reading below ↓

“Dito pa lang sa Pasig, ang dami ko nang problema, dadagdagan ko pa yung sarili kong problema, di ba?

“Bakit ako makikisawsaw sa national politics, e, dito pa lang, ang dami kong kailangan ayusin.”

Hindi rin niya direktang sinabi kung sino ang susuportahan at ieendorso niya sa pagka-presidente at bise presidente.

Saad ni Mayor Vico, “Basta what you can expect from me is that I will continue to focus on my job here in the city.

“So, araw-araw trabaho. Monday to Sunday, nagtratrabaho tayo.”

Nitong nakaraang mga araw, nagkaroon ng samaan ng loob sa pagitan ng kampo ni Senator Sotto at ng kampo ni Senator Kiko Pangilinan dahil sa desisyon ng huli na tumakbo ring vice president.

Direktang makakalaban ni Pangilinan si Sotto.

Si Sotto ay maituturing na ring tiyuhin ni Pangilinan dahil ang asawa ni Sotto na si Helen Gamboa ay pamangkin ang asawa ni Pangilinan na si Sharon Cuneta.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *