Entertainment

Miles Ocampo, Jayson Gainza ask permission from ABS-CBN execs before doing GMA-7 sitcom

Walang pagsidlan ng tuwa nina Miles Ocampo at Jayson Gainza na mapabilang sa upcoming GMA-7 sitcom na pinangungunahan ni John Lloyd Cruz, ang Happy ToGetHer.

Nagkataong kasama rin ni John Lloyd sina Miles at Jayson sa huling TV project niya, ang ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, bago siya nag-indefinite leave sa showbiz noong 2017.

Malaking bahagi ng Happy ToGetHer team ay mula rin sa Kapamilya sitcom—mula sa co-stars hanggang production people.

Kaya hindi nag-atubili sina Miles at Jayson na sunggaban ang pagkakataon nang i-offer sa kanila ang project.

Bukod sa pamilya ang turingan nila, nagkaroon pa sila ng trabaho ngayong pandemya.

Pero paglilinaw nina Miles at Jayson, nagpaalam sila sa ABS-CBN executives bago nila gawin ang Kapuso sitcom.

Pahayag ni Miles, “Nung nalaman ko po na the same group [Home Sweetie Home] and, of course, si Kuya John Lloyd and Direk Bobot [Mortiz], without any hesitation, I said yes agad.”

Continue reading below ↓

Sunod ng aktres, “Siyempre po, nagpasintabi muna po tayo sa mga boss po [ng ABS-CBN]: kay Tita Cory, Sir Carlo, and LLD [Lauren Dyogi].

“I’m very happy na pinayagan po naman nila ako.

“And sobrang blessed po dahil pumayag din po ang GMA na mapasama kami ni Kuya Jayson dito sa bagong tahanan ni Kuya [John Lloyd].”

Ang tinutukoy na ABS-CBN big bosses ni Miles ay ang mga sumusunod: Cory Vidanes, chief operating officer of broadcast; Carlo Katigbak, chief executive officer; at si Dyogi na Star Magic head at TV Production head.

Sinegudahan ni Jayson ang pahayag ni Miles.

Sabi ng komedyante, “Nung nalaman ko rin po na Direk Bobot, John Lloyd ‘tapos same din po ng [team], di po ako nag-[hesitate] talaga po na sumama rin po dito.

“’Tapos, nagpaalam din po ako kay Direk Lauren, sa Star Magic.

“’Tapos pumayag naman po sila kasi nga po wala naman akong ginagawa pong comedy show po sa ABS.

“At si Direk Bobot naman po iyon, kaya pumayag naman po sila.

“Kaya excited po ako na makasama, syempre, si John Lloyd.

“Matagal na po kaming hindi nagkakasama ni Idan. Sige, go, go po tayo.”

john lloyd cruz

Sina Miles, Jayson, at John Lloyd ay homegrown talents ng ABS-CBN.

Pumirma na ng kontrata si John Lloyd Cruz sa GMA-7, habang sina Miles at Jayson ay nananatiling talents ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa Happy ToGetHer ang highly identified ABS-CBN artists na sina Eric Nicolas at Janus del Prado.

MILES, JAYSON ON WORK IN GMA network

Nabanggit din ni Miles na masaya siya dahil marami silang nagkaroon ng trabaho dahil sa Kapuso sitcom.

“Kaya ako, happy ang Pasko ng lahat ng bumubuo ng programang ito, mula sa aming utilities, sa lahat, sa artista,” sabi ni Miles.

“Ngayon kasi bukod sa good health, trabaho talaga yung hindi natin basta-basta makukuha ngayon.

“Kaya sobrang ang saya sa puso na merong trabaho ang lahat dahil sa show na ito.”

Sumang-ayon si Jayson, sinabing ang pagkakaroon niya ng trabaho para maging masaya siya.

“Family ko rin, katrabaho… magkakasama pa rin,” ani Jayson.

“Ang hirap kasi ng trabaho ngayon, lalo na pag pandemic.

“Ang hirap ng project… makakuha…

“May mga show, pero konti lang din ang natatangap.

“Kaya haping-happy ako kasi napasama ako sa Happy ToGetHer.

Continue reading below ↓

“Sana tuloy-tuloy pa rin.”

Malinaw na walang exclusive network contract sina Miles at Jayson na parehong bukas na magkaroon ng iba pang shows sa GMA-7.

Ang Kapuso sitcom ay magsisimula na sa December 26, Linggo, sa Kapuso network.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *