Entertainment

Miss Bahrain dons jumpsuit in Miss Universe 2021 swimsuit prelims

Pinalakpakan si Miss Universe Bahrain 2021 Manar “Jess” Deyani, 25, nang lumabas siyang naka-jumpsuit sa swimsuit presentation ng Miss Universe 2021 preliminary competition.

Si Jess ang kauna-unahang kandidata ng Bahrain, isang Arab country, sa prestigious international pageant.

“Historic” ang paglalarawan ng mga kababayan at supporters ni Jess sa kanyang pagsali sa Miss Universe, pati ang desisyon niyang hindi mag-swimsuit.

Dahil kilalang Muslim country ang Bahrain, hindi nag-swimsuit si Jess dahil sa “cultural and religious reasons.”

Ang outfit ni Jess ay half-turtle neck, quarter-sleeved jumpsuit na tinernohan ng dark belt na may animal-print buckle.

Dinig ang hiwayan bilang pagsuporta kay Jess.

Bahrain Miss universe swimsuit

Continue reading below ↓

Habang rumarampa, maririnig na akmang-akma ang description kay Jess na isang fashion, beauty, at lifestyle influencer.

“She hopes to inspire the next generation of women to be more comfortable in their skin and embrace all the flaws that make them unique.”

VICTIM OF ONLINE BULLYING

Kamakailan lamang ay pinag-usapan din si Miss Universe Bahrain matapos siyang makatanggap ng online bullying mula sa ilang Pinoy pageant fans.

Nag-post ang Arab beauty queen sa Instagram ng screenshots ng pambu-bully sa kanya, kaugnay ng kanyang larawan kasama ang fellow candidates na sina Miss Bolivia, Miss Chile, at Miss Czech Republic.

Agaw-pansin kasi ang tindig at outfit ni Jessy na mukhang hindi photo-ready nang kunan ang larawan.

Sunud-sunod ang negatibong komento ng ibang Pinoy pageant fans dito at pinagtawanan ang ayos ni Jessy.

Sa kabila nito, hindi ginantihan ni Jessy ang bullying sa kanya. Sa halip ay ginamit niya ang pagkakataong ito para ipahayag ang kanyang adbokasiya na igalang ang mga kababaihan maging anuman ang hitsura nila.

“I am here to have a representation for all women regardless of the shape, size, religion or color,” bahagi ng caption ni Jessy.

miss universe bahrain

Ginanap ang prelims ng Miss Universe 2021 nitong madaling araw ng Sabado, December 11, 2021 (Philippine time) sa Eilat, Israel.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *