Entertainment

MMFF troika | PEP.ph

JERRY OLEA

Will it be a “Big Night” or a “Fine Weather” at the 47th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal?

Lalong naging makabuluhan ang pagpapalabas ng pelikulang Whether The Weather Is Fine (Kun Maupay Man It Panahon) dahil sa aftermath ng bagyong Odette.

Ang Big Night ay tumalakay sa EJK (Extra-Judicial Killings) o tokhang, na isa pa ring malalim na isyu sa ating lipunan.

Mabigat ang tema ng dalawang pelikulang ito. Hindi pam-Pasko, ‘ika nga. Pero bet ko na matamo ng Whether The Weather Is Fine ang mga tropeo para sa best picture, best director (Carlo Francisco Manatad), best actress (Charo Santos), at best supporting actress (Rans Rifol).

Hopia at asado ako na masungkit ng A Hard Day ang mga parangal para sa best actor (Dingdong Dantes) at best supporting actor (John Arcilla).

Dalawang beses nang itinanghal si Dingdong bilang best actor ng MMFF, para sa Segunda Mano (2011) at One More Try (2012).

Continue reading below ↓

Sakdal-husay rin si John Arcilla sa Big Night bilang Donato Rapido aka Koboy Kilabot.

May laban din sa pagiging best supporting actress si Eugene Domingo bilang barangay captain na si Madame Cynthia sa Big Night.

Laging aligaga si Madame Cynthia sa booming business niyang punerarya. Buhay na buhay ang negosyo ni Madame Cynthia sa dami ng natotokhang.

Masaya tayo sa balitang nagdagdag ng mga sinehan ang pelikulang Huwag Kang Lalabas. Nawa’y nasa mga sinehan pa (o bumalik) ang tatanghaling major winner/s sa 47th MMFF Gabi ng Parangal.

Nang magbukas ang local cinemas noong Nobyembre 10 ay sunud-sunod na Hollywood blockbusters ang ipinalabas—Dune, Black Widow, Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Eternals, Venom: Let There Be Carnage, at No Way To Die.

Inaabangan ng Pinoy moviegoers ang Spider-Man: No Way Home sa Enero 8.

“Magpakatotoo na tayo,” Facebook post ni Direk Jose Javier Reyes kaugnay sa matumal na first day ng December filmfest.

Inilista ni Direk Joey Reyes ang mga dahilan kaya mahina ang takilya ng MMFF 2021:

(1) Mahal ang ticket.

(2) Mas gusto ng tao kumain at magpasyal kaysa magsine ngayon.

(3) Takot pa ang taong manood sa sinehan.

(4) Ang Pasko ay pampamilya lalo na sa mga bata.

(5) Nahumaling na ang tao sa streaming: Netflix, Viu, Vivamax, Upstream, KTX.

(6) Matapos ang isang taon at sampung buwan ng pangangamba, nag-iba na tayo sa kinagawian natin.

“ACCEPT. ADJUST. ADVANCE. OK, next move,” sabi pa ng multi-awarded writer-director.

GORGY RULA

Tingin ko naman, may panggulat sa Gabi ng Parangal bukas. Baka may mga magwawagi na di natin inaasahan.

Iilan pa lang ang napanood kong pelikula, kaya mahirap mag-predict.

Sabi naman ni Rita Daniela, ayaw niyang umasa. Pero pinaghandaan niya itong awarding, kaya nagpapayat siya para magswak sa ipinagawang gown.

Si Winwyn Marquez, ma-nominate man lang ay magpapakain na raw siya. Pero malay natin, baka may dalang suwerte ang buntis.

Continue reading below ↓

Huwag sana mangyari uli kay Ma’am Charo Santos ang nangyari sa kanya sa Kisapmata (MMFF 1981), na siya lang ang di pinalad sa pelikulang iyon.

Ang tanging hangad ko lang na sana madagdagan ng excitement ang MMFF pagkatapos ng awards night.

Nakakalungkot na di pa rin pumapalo ang local movies sa mga sinehan.

Nakaka-guilty ngang gamitin ang festival pass dahil iilan lang ang bumibili ng tickets.

Sa Power Plant Mall ng Rockwell, ang nakakasabay kong bumibili ng ticket ay advance booking na para sa Spider-Man: No Way Home.

So sad.

NOEL FERRER

Sa mga nakapanood na ng pelikulang A Hard Day, marami ang tumataya kay Marita Zobel for Best Supporting Actress.

Very consistent at effortless acting daw. Ano kaya ang kahihinatnan ng much-hyped and talked-about performance of Rita Daniela sa pelikulang Huling Ulan Sa Tag-Araw?

At si Ken Chan na rin sa hirap na dinaanan niya sa pelikula lalo na noong buhatin niya ang dead weight Rita all the way to Pagsanjan River!!!

Continue reading below ↓

That is really for their fans.

Si Aiko Melendez, natawa nang sabihan na pwede siyang mag-best actress para sa performance niya sa “Bahay” episode ng horror trilogy na Huwag Kang Lalabas.

Let’s see how the movies will fare sa awards night tomorrow sa Samsung Hall ng SM Aura.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *