Entertainment

MTRCB planning to regulate Netflix, other streaming sites?

Nasa transition period ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa ilalim ng bagong chairman na si Atty. Jeremiah Jaro, na na-appoint noong Oktubre 22, Biyernes.

Habang si dating Congressman Jose Benjamin “Benjo” Benaldo ang bagong spokesperson at executive director II ng MTRCB.

“Maraming concerns ngayon sa office,” pahayag ni Benjo.

Nakausap siya sa virtual tsikahan with the members of SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong Nobyembre 11, Huwebes ng gabi.

Dito ikinuwento ni Benaldo na isa sa mga unang isyung hinarap ng bagong pamunuan ng MTRCB ay ang reklamo ng Department of Foreign Affairs tungkol sa maling depiction ng disputed nine-dash line protocol ng China.

Ang nine-dash line ay ang paghahabol ng China sa mga teritoryong nais nitong sakupin.

Noong Oktubre-Nobyembre 2018 pa nag-streaming sa Netflix ang six-part Australian TV series na Pine Gap.

Tinanggal ang Pine Gap sa Netflix Vietnam dahil sa nine-dash line na ipinakita sa dalawang episode ng serye.

Continue reading below ↓

Sa Netflix Philippines, ipinatanggal ng MTRCB ang dalawang episodes dahil “unfit for public exhibition.”

Labag daw ito sa “Philippine sovereignity” dahil hindi lehitimo ang teritoryong inaangkin ng China.

Paliwanag ni Benaldo: “Ipinatanggal po ng MTRCB primarily because ng nine-dash line.

“It was a complaint filed by the DFA, and we decided after series of summons and hearings na dapat tanggalin ng Netflix yung episodes na pasok tayo sa red nine-dash line ng China even if it’s fictional.

“We ordered them to take it out so that at least, the youth of today will not picture in their mind na part tayo ng nine-dash line ng China.

“E, hindi naman! Kasi, may decision na ang permanent Court of Arbitration in 2016 na we are not part [of the nine-dash line], and China’s claim is void and invalid.”

MTRCB has NO clear MANDATE OVER NETFLIX

Saklaw ba ng MTRCB ang online streaming platform na Netflix?

Continue reading below ↓

“The members of the board yesterday in their meeting would like to tackle it,” sambit ni Benaldo.

Dagdag niya, “We were not able to tackle and finish it. Na-mention lang ni Chair Jaro yesterday in their board meeting.”

Walang klarong mandato ang MTRCB sa online streaming platforms dahil nang isabatas ang mga probisyon para sa pagpapatakbo ng ahensya ay tanging pelikula at telebisyon lamang ang saklaw nito.

Wala pang Internet sa Pilipinas nang itatag ang MTRCB noong 1986.

Ipinaliwanag ni Benaldo kung bakit umubra ang pagpapatanggal ng MTRCB sa dalawang episodes ng Pine Gap sa Netflix Philippines.

Aniya: “Netflix is not supposed to be under MTRCB, but because the nine-dash line issues is of national and international importance, we acted on it.

“And good thing that Netflix abided our decision po.

“Tinanggal nila yung episode 2 and episode 3 ng Pine Gap sa Netflix Philippines.”

Inamin ni Sir Benjo na maliban sa Pilipinas at Vietnam, napapanood sa ibang bansa ang kabuuan ng Pine Gap.

Continue reading below ↓

“Tinanong ko yung friends ko abroad, yes, napapanood pa nila yun sa ibang countries,” pakli ni Sir Benjo.

MTRCB SET TO TACKLE ITS ROLE ON DIGITAL STREAMING PLATFORMS

Malayang nakakapagpalabas ang iba’t ibang streaming service ng content na hindi dumadaan sa MTRCB, at sa halip ay nagse-self-regulate.

Ito ay dahil debatable issue pa kung saklaw nga ba ng ahensya ang online content.

Pero ayon kay Benaldo, nakatakdang talakayin ng MTRCB kung ano ang role nito pagdating sa pag-review ng mga ipinapalabas na pelikula at series online.

Pahayag ni Sir Benjo: “We will come out with an official stand.

“However, because of this recent decision po on Netflix wherein even the Office of the President, President Duterte and Spokesperson Harry Roque came out with a statement that they are supporting the decision of MTRCB taking down those episodes sa Netflix, it puts us in an even higher level that we should probably take an active role.

Continue reading below ↓

“I will not say an official stand. Kasi, maglalabas pa po ang board ng official stand in the next few weeks—hopefully within this year—on Netflix.”

BENJO’S “PERSONAL TAKE” ON THE ISSUE

Sa personal na opinion ni Benaldo, naniniwala siyang may papel ang MTRCB sa pag-regulate ng mga palabas online.

Lahad niya: “But I’ll just tell you my personal take… The charter of MTRCB which is PD 1986 was passed, signed by President Marcos in 1985.

“If you look at the three other previous laws before po nitong MTRCB, may BMRPT, may Censors Board, and then, there’s a previous one. There were three laws.

“If you look at it, ang intent po ng lahat ng mga previous laws which came out later on the fourth law na MTRCB, there’s some sense of regulation.

“A little of censorship.

“In the 1920s where it started, they were trying to censor a lot of the things. During several revolutions, they were trying to censor several revolutions.

Continue reading below ↓

“So, they used this agency, the predecessors, as an instrument.”

Naniniwala siyang may kakayahan ang gobyernong mag-regulate sa mga palabas sa bansa.

“Now, may concept po sa batas, there’s a principle of parens patriae, which means that government or the state has a power being government as a parent ng buong country.

“So, as a parent, we would like to have some sense of regulation in terms of what our children most especially would see.

“Now, some of the members of the board are saying that we have this power because… E, iyan yung role natin eversince.”

Pero aminado si Benaldo na walang nakasaad sa batas na sakop ng MTRCB ang online streaming.

Lahad pa niya: “Nung ginawa itong apat na mga batas, there was no online streaming.

“But the intent was, lahat ng nakikita, lahat ng moving pictures na nakikita ng buong Pilipinas, should pass through our office.’

“That’s what some of the board members po are saying.

Continue reading below ↓

“Others are saying that, ‘No, it’s clear in our mandate that it’s not there.

“Perhaps, we would need Congress to amend or pass a new law for it to be very, very clear.”

Pagkatapos ng Netflix, bubusisiin din ng MTRCB ang Vivamax na karamihan ng ipinapalabas na pelikula ay mapangahas.

“This topic is going to be very sensitive… Kasi, yun nga, I was thinking about our decision about Netflix,” pag-amin ni Sir Benjo.

“And the board needs a little more time to discuss. And second in their agenda, after Netflix, is Vivamax.”

Maghintay raw ng ilang linggo o buwan upang magkaroon ng malinaw na paninindigan ang MTRCB sa mga usaping ito.

BENJO: MTRCB WANTS TO HELP CINEMAS

Sa huli, nabanggit ni Benaldo ang pagnanais ng MTRCB na makipagtulungan na buhayin muli ang sigla ng Philippine cinema sa gitna ng pandemya.

Pagpapatuloy niya, “And in this time of pandemic, Atty. Jaro wants to help everyone kung ano po ang pwede naming gawin. We are advocating more transparency in the MTRCB.

Continue reading below ↓

“Previously, yung board po namin sa MTRCB, hindi ganun ka-active ang role nila.

“Si Atty. Jaro ay former member ng board, naging vice chair, and he wants more active participation.

“He had a board meeting yesterday. We’re trying to help out the cinemas.”

Nagbukas ang piling sinehan sa NCR at ilang lalawigan noong Nobyembre 10, Miyerkules.

Nang araw na iyon ay nagpalabas ng memo si MTRCB Chair kung saan ni-revoke ang extension ng MTRCB deputy cards.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *