Entertainment

Nico Antonio plays “duty free” macho dancer in Big Night

JERRY OLEA

Dakilang macho dancer ang papel ni Nico Antonio sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes (Enero 2018) na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban, sa direksiyon ni Jun Lana.

Sa bagong pelikula ni Jun Lana na Big Night, isa sa walong official entries ng MMFF 2021, macho dancer pa rin ang papel ni Nico, pero this time… duty free.

Alin ang mas mahirap gampanan para sa kanya — macho dancer na daks, o macho dancer na dyuts?

“Mas mahirap yung macho dancer na daks!” natatawang tugon ni Nico matapos ang special screening ng Big Night nitong Disyembre 17, Biyernes, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

“Kasi, nagpe-pretend ako na daks ako pero hindi naman talaga. Kasi, may nakalagay sa loob, e. So, dun tayo sa dyuts.

“Kasi, hindi naman talaga dyuts. Natural lang talaga yun.”

Kinailangan pa bang ipitin yun para magmukhang dyuts?

“Ahh, hindi naman po. Hindi naman siya siniksik or what. Ganun lang siya talaga. May narinig nga akong ano… bakla.

Continue reading below ↓

“Sabi niya, grower daw yun. Grower! Grower lang!”

Agree ba siya sa sinabi ng bading?

“Uma-agree ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Nico, na kasama rin sa cast ng Voltes V: Legacy ng GMA-7.

NOEL FERRER

Ang ganda ng role ni Nico sa Big Night bilang Zeus, ang 30-anyos na boyfriend ng pangunahing karakter na si Dharna (Christian Bables). Mula umpisa hanggang sukdulan ng kuwento ay nandun siya.

“Opo. Nung i-suggest ni Direk Jun sa akin yung role, isinulat daw niya para sa akin. Hindi ako makapaniwala,” matamang sambit ni Nico.

“Tapos, nung nabasa ko… Ay, oo nga! Bagay nga yata sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Para sa akin nga ‘to.

“Ang saya lang na pinagkatiwalaan ako ni Direk Jun para sa role na ganun kahaba at ganun kalaki.”

Kumusta ang eksena niya with John Arcilla? Nahirapan ba siya?

“Hindi. Hindi ako nahirapan kay Sir John,” mabilis na tugon ni Nico.

“Sobrang… yung pakilala pa lang sa akin sa kanya na siya si Kokoy Kilabot na idol ko siya, sobrang … sobrang tuwang-tuwa ako.

“Nag-enjoy ako, kasi kita ko rin sa mata niya na nag-e-enjoy siya dun sa eksena. So, hindi mahirap katrabaho yung isang tao na ini-enjoy niya yung trabaho niya.”

One take lang sila sa eksena!

GORGY RULA

Nag-focus na yata si Nico sa akting. Tila nawalan na siya ng panahon para pagtuunan din ng pansin ang pagkanta.

Magaling kumanta si Nico at miyembro pa siya dati ng grupong VoizBoys na nagpe-perform sa ASAP. Kasama pa niya noon sina JayR Siaboc, Guji Lorenzana, at Tom Rodriguez.

Sana, balikan din niya ang pagkanta, di ba?

Puwede rin niyang balikan ang stage, at baka type niyang mag-audition sa musical play ng Maynila Sa Kuko ng Liwanag. Isa raw iyan sa balak gawin ni Direk Joel Lamangan next year.

Swak na swak din dun si Nico. Go, Nico!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *