Entertainment

Noli de Castro returns to TeleRadyo

Magbabalik sa kanyang programa sa TeleRadyo ang beteranong komentarista at mamamahayag na si Noli de Castro.

Ang TeleRadyo ay ang dating DZMM, ang AM radio ng ABS-CBN.

Nilisan ni Noli ang kanyang programang Kabayan noong October 7 dahil sa kanyang balak sana noong pagtakbo sa 2022 elections bilang senador.

Bukod sa Kabayan, kailangan din niyang iwan ang anchor duties niya sa prime-time news program na TV Patrol.

Bahagi ng kanyang farewell message noon, “Matapos ang malalalim na pagsusuri at taimtin na pagdarasal, ako po ay nagdesisyong tumakbo bilang senador sa halalan sa susunod na taon.

“At dahil sa hakbang na ito, kinakailangan ko iwan ang TV Patrol at ang ABS-CBN para ipagpatuloy ang serbisyo publiko sa ibang larangan.”

Ngunit makalipas ang limang araw, inurong ni Noli ang kanyang kandidatura dahil daw sa personal na kadahilanan.

Sabi ni Noli sa kanyang pahayag noong October 13, “Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.

Continue reading below ↓

“Gayunpaman, HINDI PO NAGBAGO ANG AKING LAYUNIN AT HANGAD PARA SA BAYAN.

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.”

May kumalat na balitang hindi na babalik sa ABS-CBN si Noli.

Posible raw na sa TV5 na siya mapapanood at papalitan si Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas bilang main anchor.

Tatakbong senador si Raffy sa susunod na halalan.

Ngayong araw ng Huwebes, November 4, ibinahagi ni Noli sa kanyang Instagram ang isang maikling video kung saan makikita siyang nasa isang dalampasigan.

Sa caption, sinabi ni Noli na babalik na siya sa TeleRadyo sa Lunes, November 8.

Buong caption niya, “Salamat po, sa kaunting pagkakataon na ma-enjoy ko ang beach, bago bumalik muli sa Teleradyo sa Lunes, kita kits kabayan [smile emoji].”


HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.




Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *