Entertainment

P-pop girl group na LITZ, thankful kay Teacher Georcelle

Ang top choreographer ng bansa na si Teacher Georcelle Dapat-Sy ang creative director at mentor ng LITZ, ang all-female group nina Heart Ryan Evangelista (19), Ashtine Olviga (22), Bianca Santos (20), Fatima Añonuevo (20) at Yumi Garcia (18).

Heart Ryan Evangelista

Ashtine Olviga

Continue reading below ↓

Bianca Santos

Fatima Anonuevo

Continue reading below ↓

Yumi Garcia

Layunin ng LITZ (na abbreviation ng Life In The Sunshine, pero stylized with Z) na lalong itaas ang kalidad ng Pinoy pop music at ang lima ang mapalad na napili ni Boss Vic del Rosario, ang CEO at Chairman of the Board ng Viva Group of Companies bilang mga miyembro.

Continue reading below ↓

Ang “Natataranta” ang debut single ng LITZ na pamilyar sa fans ni James Reid dahil ito ang original singer ng awit na komposisyon ni Thyro Alfaro.

Naniniwala si Teacher Georcelle na magtatagumpay at magkakaroon ng puwang sa local music industry ang LITZ kaya nasasabik siya sa mga susunod na mangyayari.

“I am so excited for them. I want LITZ to also make their own mark in the industry. As of the moment, we’re still finding our space in the music industry.

“We’re still finding our sound. Ang goal namin talaga is to define what P-pop is. G-Force, me and my team have been training all the biggest stars in the Philippines, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Billy Crawford.

“Kumbaga, why not give LITZ that kind of training that we give to the biggest artists here in the Philippines?”

Nagsimula noong May 2021 ang mga training session ng LITZ kay Teacher Georcelle na bumilib sa ipinamalas na determinasyon ng limang miyembro ng grupo.

Continue reading below ↓

“The plan for now is magpagaling nang magpagaling sila. We started training in May 2021.We started with just Zoom sessions, when they were handed to me.

“Nag-start po sila na six girls but one has to leave because of the pandemic. Kailangan niya umalis pabalik sa Japan.

“I need to assess them because I really don’t know them. Kailangan nila na magpakilala sa akin at sa team ko.

“I really see a big potential because they’re all hungry and that’s what I love.

“Ayokong ma-impress sa working attitude nila because that’s work. Dapat naman ganoon talaga but what made me really admire, sa generation nila, wala akong nakikita na ganito.

“They’re very hungry, they’re very excited and they really enjoy what they’re doing. What’s really interesting is excited sila palagi.”

Para sa LITZ, isang karangalan at malaking oportunidad na si Teacher Georcelle ang mentor nila at nagbigay ng pangalan sa kanilang grupo.

Continue reading below ↓

Ang “Natataranta” ang debut single ng LITZ na inilunsad ngayong Biyernes, November 12.

Memoryado ng mga taga-hanga ni James Reid ang “Natataranta” dahil ang kanilang iniidolo ang original singer ng komposisyon ni Thyro Alfaro.

Nilapatan ng bagong tunog ang cover version ng LITZ sa “Natataranta” kaya naging electropop-tinged dance song ito ng female empowerment.

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *