Entertainment

Paolo Contis returns to social media after trending J-Hope post

Ngayon Martes, November 2, lamang nalaman ni Paolo Contis na nag-trending ang pangalan niya sa social media kahapon, November 1.

Ito dahil sa kanyang malaking pagkakahawig sa Mask 11, ang self-portrait na nilikha ng Australian sculptor na si Ron Mueck.

Napansin ng Filipino fans ang resemblance sa pagitan ni Paolo at ng Mask 11 dahil sa Twitter video post ng BTS member na si J-Hope habang pinagmamasdan nito ang art work ni Mueck nang bumisita siya sa isang museum sa Seoul, South Korea.

Continue reading below ↓

Gumawa ng re-enactment si Paolo dahil kinunan nito ng litrato ang sarili habang nagpapanggap na natutulog para patunayang tama ang obserbasyon ng netizens na kamukha siya ng self-sculpture ni Mueck.

Caption ni Paolo: “Trending daw ‘to kahapon kaya chineck ko na din. May point naman sila!”

Sari-sari ang mga komento ng followers ni Paolo sa Instagram post nito—mga komentong magpapaalala sa kanyang wagas na pahayag na inimbitahan niya si Yen Santos sa Baguio City “as a friend.”

Continue reading below ↓

Si Yen ang inaakusahang third party sa paghihiwalay ni Paolo at ng ex-live-in partner ng aktor na si LJ Reyes.

“Bangon na d’yan, tara sa Baguio as a friend,” ang isa sa mga komento ng netizens sa re-enactment na ginawa ni Paolo.

Nagkaroon ng social media hiatus si Paolo mula noong September 8, 2021—ang makasaysayang araw na nagbitaw siya ng salita na: “I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend.”

Continue reading below ↓

Halos dalawang buwang hindi aktibo si Paolo sa social media.

Ang Twitter post lamang ni J-Hope tungkol sa Mask 11 ang nakapagkumbinsi sa kanya para muling magparamdam dahil positibo ang mga reaksiyon ng netizens, na mga tagahanga ng BTS ang karamihan.

Trivia: Gawa sa resin, fiberglass, at silicone ang Mask 11 na nilikha ng 63-year-old na si Mueck noong 2001 at may sukat na 30 x 46 x 33 inches.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.