Entertainment

PEP YEARENDER 2021: Actors who did frontal nudity in movies

Noteworthy ang pagratsada ng male frontal nudity sa local showbiz ngayong 2021.

ENERO gumiling sa ating kamalayan ang launching movie ni Sean de Guzman na Anak ng Macho Dancer, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Frontliners sa pagwawasiwas ng putotoy ang bidang si Sean at major support na sina Ricky Gumera at Miko Pasamonte.

Nagpasilip din ang ibang indie actor na nadaanan ng kamera, tulad nina Ace Toledo at Jasper Mendoza.

anak ng macho dancer cast

Continue reading below ↓

(L-R) Miko Pasamonte, Charles Nathan, Sean de Guzman, Ricky Gumera, and Mhack Morales

HUNYO bumulaga ang GenZ film ni Erik Matti na A Girl + A Guy.

Nag-frontal sa dalampasigan ang banyagang modelo na si Emilio Francisco, maging yung older man na gumanap bilang boyfriend ni Alexa Miro.

Meron ding close-up ng naghuhumindig na male genital organ, pero mukhang prosthetic iyon.

emilio francisco

Emilio Francisco

HULYO nagpainit ang Silab at Lockdown na parehong idinirek ni Joel Lamangan.

Nanliit ang kadakilaan ni Marco Gomez sa eksenang nagtampisaw ito isang gabing malamig sa baybay sa Silab.

Sa sukdulan ng pelikula, prosthetic siyempre ang ari niya na pinutol, nginuya at nginata ni Cloe Barreto.

marco gomez silab

Marco Gomez in Silab

Continue reading below ↓

BATIBOT BOYS

Todo-bigay sa hubaran ang Batibot Boys ng Lockdown, sa pangunguna ni Paolo Gumabao.

Nakipagsabayan sa kanyang kapangahasan ang supporting actors na sina Sean de Guzman, Jeff Carpio, Neil Suarez (na ngayon ay AJ Oteyza na), Kristian Allene, at Dincent Lujero.

Maging ang beteranong aktor na gumanap bilang invalid father ni Paolo, si Jess Evardone, ay handang magbuyangyang.

lockdown intimate scenes

Continue reading below ↓

Scenes from Lockdown

NOBYEMBRE nag-press screening ang martial law film na KATIPS ni Direk Vince Rillon, kung saan nag-frontal si Johnrey Rivas sa torture scene.

Dapat sana’y ang co-star na si Joshua Bulot ang magpo-frontal. Nag-back out ito dahil may mga baklang nakaamba ang cellphone sa set.

Pinalakpakan ng mga manonood ang taghoy-awit ng duguang si Johnrey sa eksena, “Kinuryente ang bayag ko…”

johnrey rivas katips

Continue reading below ↓

Johnrey Rivas in Katips

DISYEMBRE nag-hello ang private part nina Rash Flores at Luis Hontiveros sa erotic drama film ni Direk Brillante Mendoza na Palitan.

Ayon sa manager ni Rash na si Jojo Veloso ay puwedeng taguriang “Mr. Nine Inches” ang baguhang aktor, na ang ama ay Pakistani.

Inaasam ni Jojo na masundan ni Rash ang mga yapak ng dating alaga niyang si Allen Dizon, na ngayon ay isa nang multi-awarded actor.

rash flores

Continue reading below ↓

Rash Flores

Na-edit out ang eksena ni Rash sa Palitan kung saan maluwalhati siyang nagbayabas (or is it banana shake?).

Pumayag si Direk Brillante sa pagpa-plaster ni Luis. Kaso, natanggal ang plaster kaya bumulaga ang notary public ni kuya.

luis hontiveros

Luis Hontiveros

Bago matapos ang taon ay magpapaputok sa GagaOOLala ang Pinoy BL series na Love At The End Of The World.

Continue reading below ↓

Walang kahihiyan na nag-frontal sina Nico Locco at Elijah Filamor. Nagpumiglas ang ahas ni Nico at muntik mang matuklaw si Gold Aceron.

nico locco

Nico Locco

Napasinghap si Yam Mercado nang humambalang sa kanyang mukha ang harapan ang patola ni Elijah, na kapagkuwan ay tinakpan ng face mask.

Ang ibang co-stars nila na sina Kristof Garcia, Rex Lantano, at Khalid Ruiz ay nagpa-Felix Bacat o may butt exposure.

Continue reading below ↓

Ang pralala ni Markki Stroem, may ipinakita siya ritong kakaiba na dapat abangan.

markki stroem love at the end of the world

Markki Stroem

ONLINE SEX WORKERS

Sandamukal ang nagbebenta ng mga pribadong video, solo man sa pagsasariling-sikap o may ka-collab.

Pumukaw sa pansin ng mga judingle belles ang premium account ng TikTok influencer na si Lloyd Aaron Agustin,

Continue reading below ↓

Bidaman finalist na si Jervy de los Reyes, at dating indie actor na si Charles Delgado.

Na-feature ang life story ni Lloyd Aaron sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tinulungan ni Miko Pasamonte si Charles para ma-promote ang Twitter account nito.

lloyd agustin tiktok

Lloyd Aaron Agustin

Sumabak si Charles sa pagbebenta ng private videos para sa pagpapagamot ng “asawa” niyang may kanser.

Continue reading below ↓

Ang nakababata niyang kapatid ay sumunod sa kanyang mga yapak.

charles delgado

Charles Delgado

Nagbebenta rin dati ng private videos si Miko Pasamonte pero tumigil siya sa ganoong raket matapos siyang isama ni Joed Serrano aka Mr. P sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.

Sabi ni Miko, “Hinango ako ni Joed sa putik at inilapit sa Diyos.”

Continue reading below ↓

miko pasamonte

KIT, VINCE, ALBIE

OKTUBRE nag-streaming ang pelikulang Sarap Mong Patayin ni Direk Darryl Yap.

Huwad ang pa-hotdog dito ni Kit Thompson, na inginuso at hinawakan ng co-star na si Lassy Marquez.

kit thompson sarap mong patayin

Continue reading below ↓

Kit Thompson in Sarap Mong Patayin

Hopefully ay maipalabas na next year ang pelikulang Manipula ni Direk Neal “Buboy” Tan, kung saan bida ang kasintahan ni Kit Thompson na si Ana Jalandoni.

Apat na aktor ang pinutulan dito ng prosthetic na ari — sina Christian Vazquez, Kiko Matos, Mark Manicad, at Marco Alcaraz.

Willing mag-frontal nang totoo si Kiko, at nagawa na niya iyon sa Cinemalaya 2018 short film na You, Me and Mr. Wiggles, sa direksiyon ni Jay Velasco. Pero dahil putulan ang eksena sa Manipula, nag-prosthetic si Kiko.

Sa dalawang pelikula ni Vince Rillon na ginawa this year sa direksiyon ng mentor niyang si Brillante Mendoza — Sisid with Paolo Gumabao, at Pola: Red Earth (tentative title) — nag-frontal siya.

vince rillon sisid

Continue reading below ↓

Vince Rillon in Sisid

Willing si Albie Casiño na mag-frontal basta makabuluhan ang pelikula at siya ang bida.

Sa pelikulang Moonlight Butterfly ni Direk Joel Lamangan ay isa si Albie sa tatlong leading man ng bidang si Christine Bermas, at may pa-wetpaks siya roon.

albie casino

Albie Casiño

MALE NUDITY IN FILMS

Dati-rati, ang mga babae ang madalas o karaniwang naghuhubad sa pelikulang Pinoy. Mangilan-ngilan lang ang lalaking nagbubuyangyang ng lawit.

Continue reading below ↓

Ngayong 2021, umarangkada ang male frontal nudity sa Philippine cinema. Dahil kaya sa pandemya?

Ayon nga sa veteran actress na si Maria Isabel Lopez. “Siguro, meron lang talagang… siguro, isang factor din yung pandemic.”

Nasabi ito ni Maria Isabel sa online launch ng aklat ni Boy Villasanta na SekSinema: Gender Images in Philippine Sex Cinema Enfolding Pandemia noong Disyembre 15, Miyerkules.

Paliwanag niya, “Masyadong na-restrain ang tao. Masyado tayong nakulong. Masyadong nakakadena. May lockdown.

“Pero now, talagang… talagang big deal pag makagawa ka in the pandemic! Dahil alam mo naman yung hirap that you have to go through.

“Lalo na very physical itong mga films ni Brillante Mendoza. Besides, yung mga direktor din talaga, pagkakatiwalaan mo sila kahit wala kang balak maghubad.

“Because of the credentials of these filmmakers that you are working with. I think, respeto na lang yun. We trust them.

“Siguro, ang mga artista ngayon are just more trusting. They can now see na hindi naman ito pito-pito.

Continue reading below ↓

“Noong araw, tawag yun sa pelikulang tipid sa budget at minadali.

“Kumbaga, ngayon, the actors are more trusting of their directors.”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

close