Entertainment

PEP YEARENDER 2021: Showbiz breakups

Sa bawat taong nagdaraan, isa sa pinag-uusapan nang husto sa mundo ng showbiz ay ang hiwalayan ng mga mag-asawa, magkarelasyon, o maging magka-partner na hindi umamin pero nabisto lamang nung naghiwalay sila.

Makulay talaga ang buhay pag-ibig sa mundo ng showbiz na naging tampulan ng usapan ng mga “Marites,” ang bagong termino na tumutukoy sa mga tsismoso at tsismosa.

ALJUR ABRENICA-KYLIE PADILLA

February 2021 nang napansin ng mapanuring mata ng netizens na tila may pinagdadaanan ang pagsasama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Nagsimula ito nang maglabas ng cryptic posts sa social media si Kylie.

Base sa tweets ng aktres noon, tila may hinaharap itong mabigat na pagsubok.

May makahulugang post din ang aktres sa kanyang Instagram Stories.

“I’m submissive not stupid,” tanging caption ng aktres sa burado nang post na ito.

Kasunod nito, may usap-usapan nang may pinagdadaanan ang pagsasama ng dalawa.

Hanggang sa kumpirmahin ito ng ama ni Kylie na si Robin Padilla sa eksklusibong panayam dito ni Ogie Diaz noong July 2021.

Continue reading below ↓

Dito ay inamin ni Robin na naghiwalay na ang anak at si Aljur, at may third party umano sa parte ni Aljur.

Naging masalimuot ang mga sumunod na pangyayari dahil nagpalitan ng mga akusasyon sina Aljur at Kylie.

Sa kanyang mahabang Facebook post, sinabi ni Aljur na si Kylie ang siyang unang nagtaksil at sumira ng kanilang pamilya.

Isa-isa namang sinagot ni Kylie ang mga paratang ni Aljur sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho na umere noong October 24.

Pinabulaanan ng aktres na pinagtaksilan niya si Aljur noong nagsasama pa sila.

Nadawit din sa isyu ang sexy star na si AJ Raval, na nauugnay kay Aljur.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

KIKO ESTRADA-DEVON SERON

Umingay ang hiwalayang Kiko Estrada at Devon Seron noong March 2021.

Nagsimula ito sa makahulugang Instagram post ng aktres noong March 9.

Nakasaad sa post ni Devon: “The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

Sinamahan niya ito ng imahe ng dalawang magkahawak na kamay kung saan may usok itong tila may hitsura ng demonyo kung susuriing mabuti.

Sa comments section, tila alam ng ilang followers ni Devon na may problema sa relasyon ng aktres at ni Kiko.

May ilan ding direktang nagbanggit sa pangalan ni Heaven Peralejo, na itinuturong third party umano sa breakup nina Kiko at Devon.

Magkasama sina Kiko at Heaven sa teleserye ng ABS-CBN na Bagong Umaga noong mga panahong iyon.

May 2021 nang inamin ni Kiko na hiwalay na nga sila ni Devon bandang Pebrero, pero wala raw third party sa breakup nila.

Continue reading below ↓

Naging sila raw ni Heaven noong May din lang.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

JENNICA GARCIA-ALWYN UYTINGCO

Marso ay lumutang ding nagkakalabuan na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Natanong si Jennica sa episode ng Cristy Ferminute, ang entertainment program ng columnist na si Cristy Fermin sa Radyo Singko, tungkol sa marital status nila ng asawa.

Continue reading below ↓

Binura kasi niya ang mga larawan nila ni Alwyn sa kanyang Instagram account.

Nabanggit din ni Jennica sa interview na nagre-rent siya ngayon ng isang one-bedroom unit kasama ang kanyang dalawang anak.

Kalagitnaan ng Mayo nang kumpirmahin ni Jennica ang hiwalayan nila ng asawa.

Pero mariin niyang pinabulaanang pinansiyal ang dahilan ng kanilang breakup.

Sa mga bagong post naman ni Alwyn sa kanyang Facebook account, mukhang unti-unti nang naaayos ang gusot nilang mag-asawa.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

KRISTOFFER MARTIN-LIEZEL LOPEZ

Kinumpirma ni Liezel Lopez na hiwalay na sila ng aktor na si Kristoffer Martin matapos lamang ang anim na buwang relasyon.

Parehong Kapuso stars sina Liezel at Kristoffer. Gumanap sila bilang magkapatid sa afternoon drama series na Babawiin Ko Ang Lahat, na umere mula February 22 hanggang May 21, 2021.

Sweet pa sila nang mag-date sila sa isang restaurant noong June 12.

Pero noong July 15, nagpakawala si Liezel ng sunud-sunod na maaanghang na salita tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Kristoffer.

Namulat na raw ang mga mata niyang hindi karapat-dapat sa kanya ang ex-boyfriend.

Naglabas siya sa TikTok ng video na may temang “Me Now” vs “Me 6 Months Ago.”

“I can’t believe we’re getting so worked up with some guy,” dub ni Liezel kalakip ng written text na “Me Now.”

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

CIARA SOTTO-IAN AUSTIN

Break na rin ang singer-actress na si Ciara Sotto sa kanyang Filipino-American boyfriend na si Ian Austin.

Inamin ito ni Ciara sa kanyang question-and-answer session sa YouTube noong July 2, na siya ring araw ng kanyang 41st birthday.

Isa sa mga tanong sa kanya ay kung magpapakasal na ba siyang muli.

“No, I’m not getting married!” natawang sagot ni Ciara.

Pagdidiin pa niya, “I’m not getting married anytime soon.”

Dito na niya inaming hindi pa siya magpapakasal ngayon dahil single siyang muli. Break na raw kasi sila ni Ian.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

HEAVEN PERALEJO-KIKO ESTRADA

Unang naugnay si Heaven kay Kiko noong pumutok ang balitang naghiwalay ang aktor at ang girlfriend nitong si Devon Seron noong March 2021.

Magkasama noon sa serye ng ABS-CBN na Bagong Umaga sina Heaven at Kiko.

Pero mariing itinanggi ni Heaven na siya ang third party sa hiwalayan nina Kiko at Devon.

Pagdating ng June 2021, namataan sina Heaven at Kiko na magkasamang nagliwaliw sa Boracay.

Sa sumunod na buwan, namataan namang sweet na sweet ang dalawa sa isang birthday party.

Noong mga panahong yun, wala pang pag-amin ang dalawa sa kanilang relasyon.

Hanggang nitong ikalawang linggo ng August 2021, sa kanilang Instagram accounts, sabay na nag-post ang dalawa ng kumpirmasyon na magkarelasyon na nga sila.

Noong August 24, sa vlog ng talent manager at showbiz writer na si Ogie Diaz, sinabi ni Kiko na hindi nag-overlap ang relasyon niya kay Devon at Heaven.

Tumagal ng lagpas dalawang taon ang relasyon nina Kiko at Devon, at naghiwalay sila noong unang bahagi ng 2021.

Continue reading below ↓

Ayon kay Kiko, Valentine’s Day sila nag-break ni Devon.

Pagkalipas ng isang buwan, nagkakamabutihan naman sila ni Heaven. Pero hindi pa raw sila noon.

Kasunod nito ay ibinigay ni Kiko ang timeline ng paghihiwalay nila ni Devon at pagsisimula ng relasyon nila ni Heaven.

Aniya: “Me and Devon broke up on Valentine’s Day 2021, and then me and Heaven became together May 30.

“But of course we [me and Heaven] were talking a month after the breakup [with Devon].”

Ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang third monthsary bilang magkasintahan noong August 30.

Sa Instagram post ni Kiko, makikita ang sweet na sweet na larawan nila ng nobya.

Simpleng caption ng 26-year-old actor: “queen & slim”

Tugon ni Heaven, 21: “Forever grateful for you [heart emoji]”

Pagdating ng September 1, bigla na lamang binura ni Kiko ang dalawang posts niya tungkol sa kanila ni Heaven.

Maliban dito, in-unfollow na rin ng aktor ang girlfriend sa Instagram.

Continue reading below ↓

Kaya naman umingay ang balitang naghiwalay kaagad ang dalawa.

Noong September 19, 2021, napansin ng ilang showbiz fans na hindi na rin pina-follow ni Heaven si Kiko sa Instagram.

Bukod sa pag-unfollow kay Kiko, wala na rin sa Instagram feed ni Heaven ang mga post nito kasama ang aktor.

Hanggang nitong October 25, kinumpirma nga ni Heaven na single na siya, “I am single, but not ready to mingle.”

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

MAGGIE WILSON-VICTOR CONSUNJI

Hiwalay na rin ang actress-beauty queen na si Maggie Wilson at ang asawang negosyante na si Victor Consunji.

Kilala ang pamilya ni Victor bilang construction magnates.

Sa isang Instagram post noong nakaraang September 27, inanunsiyo ni Maggie ang desisyon nila ni Victor na maghiwalay.

Pero mananatili raw silang mabuting magkaibigan at “partners” para sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kanilang anak na si Connor.

Bahagi ng mensahe ni Maggie: “We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.

“We will always love and support each other no matter what.

“We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together.

“We have remained really good friends and partners and will continue to do so.

Continue reading below ↓

“Both of us want nothing more than for each other to be happy.”

Humihingi sila ng pag-intindi at suporta mula sa publiko para sa bagong yugto ng kanilang buhay ngayong tinuldukan na nila ang kanilang pagsasama.

Dagdag niya, “We’d like to ask for your kindness, understanding, love and support as we navigate this new chapter in our lives.”

Ikinasal sina Maggie at Victor noong December 18, 2010.

Tumagal ng halos labing-isang taon ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

ALODIA GOSIENGFIAO-WIL DASOVICH

Hiwalay na rin ang cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao, 33, sa vlogger na si Wil Dasovich, 30.

Nanggaling mismo ang kumpirmasyon kay Alodia sa kanyang Facebook post noong November 14.

Ito rin ang kanyang naging sagot para sa lahat ng nagtatanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Wil.

Ayon sa post ni Alodia, sinubukan nilang ayusin ang relasyon subalit nauwi pa rin ito sa hiwalayan.

Saad ni Alodia, “To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives. [pray emoji]”

Nito lang October 1, 2021, naglabas pa ng vlog si Wil kasama si Alodia kung saan nakausap nila si Oliver Austria, ang nag-design ng bahay na pinaplano nilang ipatayo.

February 2018 nang unang kinumpirma nina Wil at Alodia ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Na-witness din ng kanilang viewers kung paano sinuportahan at inalalayan ni Alodia si Wil nang magkasakit ito ng colon cancer, kahit wala pang kumpirmasyon noon na may relasyon ang dalawa.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

PAOLO CONTIS-LJ REYES

Naging malaking katanungan sa netizens kung bakit in-unfollow ni Paolo Contis si LJ Reyes sa Instagram, at binura na rin ng aktor ang lahat ng larawan ng aktres bandang August 19.

Continue reading below ↓

Pero hindi lamang si LJ ang in-unfollow ni Paolo dahil zero na ang “following” niya sa Instagram.

Ibig sabihin, tinanggal o in-unfollow na niya ang lahat ng kanyang mga pina-follow, kabilang na si LJ.

Noong August 22, kinumpirma ng talent manager ni Paolo na si Lolit Solis na hiwalay na ang aktor sa aktres na si LJ.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Lolit na walang third party sa hiwalayan ng Kapuso stars.

Kaya huwag na raw idamay ang pangalan ni Yen Santos (na naisulat ni Lolit bilang Yeng) sa hiwalayan nina Paolo at LJ.

“Open secret” din daw kung sino ang totoong karelasyon ngayon ni Yen.

Magkapareha sina Paolo at Yen sa pelikulang A Faraway Land.

Sabi ng showbiz columnist at talent manager (published as is): “Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yeng Santos Salve.

Continue reading below ↓

“Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh!

“Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari.”

Puno ng hinagpis na ipinagtapat ni LJ kay Boy Abunda sa YouTube channel ng host noong September 1 na naghiwalay sila ni Paolo noon lamang Agosto.

Masalimuot ang dahilan ng kanilang hiwalayan, pero malinaw na hindi ito matatawag na “mutual decision.”

Lahad ni LJ: “No, hindi siya mutual. Naniniwala ako kapag mutual ang isang decision, pareho kayong sumasang-ayon na hindi na nagwo-work yung relationship.

“Hindi po, e. Ramdam na ramdam ko naman po na ibang-iba na.

“Matagal ko na nararamdaman na nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po yun.”

Inamin ni LJ na, sa una nilang pag-uusap, siya ang nag-initiate na mag-break sila.

Pero makalipas ang ilang araw, sa pangalawang masinsinan nilang pag-uusap noong Agosto, si Paolo ang umayaw na.

Continue reading below ↓

“Pero honestly, ako yung nagsabi na parang nasa ibang mundo na po siya, at parang pakiramdam ko na hinihintay lang niya na manggaling sa akin.

“Umabot sa point na nag-break na kami. Pero after a few days, na-realize ko na hindi puwedeng ganito, may mga bata.”

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

AJ RAVAL-AXEL TORRES

Tinuldukan na ni AJ Raval ang relasyon nila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres.

Noon lamang Mayo, sa story conference ng Nerisa, inamin ni AJ na nobyo niya si Axel.

Pero sa virtual conference ng Taya noong nakaraang August 20, ipinagtapat ng sexy star na hiwalay na sila ni Axel.

Ayon kay AJ, hindi matanggap ni Axel ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula.

“To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin,” pag-amin ni AJ.

Nangyari ang kanilang breakup noong Hunyo.

Nauugnay naman ngayon si AJ kay Aljur Abrenica.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

RABIYA MATEO-NEIL SALVACION

June 2021 naman tinuldukan nina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang nurse na si Neil Salvacion ang kanilang relasyon.

Ikinalungkot ng binata ang mga negatibong komentong nabasa niya ukol sa kanila ng dating nobya.

Sabi ni Neil sa kanyang Instagram Stories na burado na ngayon (published as is), “Spreading rumor eithout even knowing the real story is just too much.

“We don’t deserve all the negatrivities manifested towards us, esp towards rab, she worked hard to achieve whatever she has right now, and she deserves it all.”

Hindi raw makatarungang matahin o sabihan ng mga masasakit na salita ang isang tao para lamang may maibato sa kanila.

Gayunpaman, kahit hiwalay na sila ni Rabiya ay nananatili raw silang masaya sa kani-kanilang mga buhay.

Unang umingay ang hiwalayan ng dalawa noong burahin ni Neil ang lahat ng larawan nila ng Ilongga beauty queen sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Kasunod nito ang pag-amin ni Rabiya na “complicated” ang relasyon nila ni Neil.

Pitong taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

RAYVER CRUZ-JANINE GUTIERREZ

Kumpirmadong hiwalay na rin sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz nito lamang kalagitnaan ng Nobyembre.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang very reliable source na isang buwan nang hiwalay sina Janine at Rayver.

Continue reading below ↓

“No time for each other” ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Ayon pa sa source, walang third party na involved sa breakup ng dalawa.

May mga naghihinala kasing nagkakamabutihan na sina Rayver at Julie Anne San Jose, na magkatrabaho sa GMA-7 shows tulad ng The Clash at All-Out Sundays.

Kinakikiligan ng fans nina Julie Anne at Rayver (JulieVer) ang tambalan nila simula nang una silang magkasama sa Studio 7, na umere mula October 14, 2018 hanggang December 7, 2019.

Hindi rin maiwasang maugnay sina Janine at Paulo Avelino, na magkatambal sa ongoing Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You na na-extend sa Book 2.

PEP Yearender: Showbiz breakup 2021

Continue reading below ↓

BEATRICE LUIGI GOMEZ-KATE JAGDON

Naghiwalay rin sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at Kate Jagdon, isang Cebu-based performance disc jockey.

Tinapos na ni Kate ang usap-usapan tungkol sa napapabalitang breakup nila ni Bea noong Nobyembre.

Sa pamamagitan ng Instagram Story noong November 23, 2021, kinumpirma ni Kate na hiwalay na sila ni Bea.

Tumagal ng higit walong taon ang kanilang relasyon.

“Bea and I have parted ways,” bahagi ng pahayag ng DJ.

Pero hindi binanggit ni Kate kung ano ang naging mitsa ng kanilang breakup.

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

Continue reading below ↓

PERCI INTALAN-JUN LANA

Hiwalay na rin ang filmmakers na sina Jun Lana at Perci Intalan matapos ang walong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa pamamagitan ng Twitter noong December 10, inanunsiyo ng award-winning director na si Jun na nagdesisyon sila ni Perci na maghiwalay sa maayos na paraan.

Pahayag ni Jun: “Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably.

“We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company.

“We request for privacy as we navigate this transition. Thank you all for your understanding & support.”

Itinatag ng dalawa ang The IdeaFirst Company, isang film production company at talent agency, noong 2014.

Wala pang ibang pahayag sina Jun at Perci tungkol sa desisyon nilang tapusin ang kanilang pagsasama.

Ikinasal si Perci, dating TV5 creative and entertainment head, sa award-winning director/screenwriter na si Jun via same-sex union noong October 14, 2013 sa Bethesda Fountain, Central Park, sa New York.

Continue reading below ↓

PEP Yearender: Showbiz breakups 2021

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close