Entertainment

Personality, nakawiwindang ang safety protocol para sa kasambahay

Litung-lito ang household staff sa safety protocol ni PERSONALITY sa kanilang tahanan.

Dahil takot siyang mahawa ang pamilya sa COVID-19, hindi niya pinapayagang makauwi sa kani-kanilang pamilya ang kanyang mga househelp.

Natatakot daw kasi siya na baka pag nakipag-mingle sa iba ang mga ito, pagbalik sa kanilang tahanan sa isang village ay baka may dala-dala na palang virus.

Tiis to the max ang mga maid, driver, at cook dahil mahirap nga namang mawalan ng work lalo sa panahong ito.

May nasampulan raw kasi ang PERSONALITY na isang househelp na lumabag sa ipinatutupad nitong protocol.

Sumilip lang umano sandali ito sa bahay ng pamilya para malaman ang sitwasyon ng asawa at mga anak, ora-orada, tsinugi raw ito at hindi na pinabalik.

Valid naman ang concerns ni PERSONALITY.

Ang siste, pag ang mga friends nito ang dumadalaw sa kanilang tahanan, with open arms daw niya silang tinatanggap with matching yakap at beso sa mga ito. Ang kuwento pa: ilan raw sa mga bisita ay hindi pa vaccinated.

Continue reading below ↓

At kapag nakakatakas ang mga pets through the gate, pinalalabas ang mga househelp para habulin ang mga ito.

Ang matinding bilin diumano ni PERSONALITY ay huwag na huwag silang babalik sa bahay hangga’t hindi nahahanap ang pets.

Gusto niyo ng CLUE?

Basta, kilala ang apelyido niya.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *