Entertainment

Rabiya Mateo shows support to Beatrice Luigi Gomez

Nagpahayag ng suporta ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 pageant na si Beatrice Luigi Gomez.

Nakatakdang lumaban si Bea sa coronation night ng Miss Universe 2021 pageant ngayong Lunes ng umaga, December 13 (Manila time) sa Israel.

Bilang pagsuporta kay Bea, isang maikling mensahe ang ipinost ni Rabiya sa kanyang Instagram account.

Ipinost din ni Rabiya ang picture ng pagpasa niya ng korona kay Bea sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 noong September 30.

Mensahe ni Rabiya kay Bea (published as is), “To @beatriceluigigmz, I just wanna let you know how proud I am of you. I believe na malakas talaga ang laban mo because I saw the fire in your eyes and felt the grit in your heart and spirit. Alam kong lalaban ka at ngayon palang panalo kana sa mata ng maraming Pilipino.

“Ilaban mo Bea para sa Pilipinas! Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat! [Philippine flag emojis]”

Continue reading below ↓

Noong madaling araw ng December 10 (Manila time), sumabak si Bea sa national costume at preliminary competition ng Miss Universe.

Suot ni Bea para sa kanyang national costume ang “Bakunawa 2.0” na disenyo ni Cebu City-based fashion designer Axel Que.

Ang bakunawa, sabi sa programa ng national costume competition, ay isang Filipino mythical creature na kilala rin sa tawag na “Moon Eater” at madalas na ipinapakita ng mainstream media bilang isang sea serpent o dragon.

Kasama naman bilang bahagi ng selection committee ang Kapuso actress na si Marian Rivera, na present na noong preliminary competition. Kasama rin siya sa magiging judge sa pageant.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *