Entertainment

Rayver Cruz: “Walang perfect relationship.”

Ikinagulat ng marami ang balitang paghihiwalay nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Hindi kasi takaw-intriga ang dating showbiz couple.

Marami ngayon ang nagtatanong kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Bagamat napaulat na mutual decision ang paghihiwalay, may lumabas na anggulong si Janine umano ang nag-initiate ng breakup nila.

Iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na, ayon sa isang reliable source, kumpirmadong isang buwan nang hiwalay sina Janine at Rayver.

Nakakuha naman ng impormasyon ang PEP Troika mula sa kanilang sources na si Janine umano ang ang nakipag-break dahil gusto raw nitong mag-grow.

Pero bago pa man pumutok ang balita tungkol sa breakup ng dalawa, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Rayver noong September 9, 2021.

Nabanggit dito ni Rayver na, gaya ng iba, hindi perfect ang relasyon nila ni Janine. At gaya ng ibang relasyon, nagkakaroon din sila ng misunderstanding.

Tanong namin kay Rayver: ano ang maipapayo niya para magkaroon ng successful relationship?

Continue reading below ↓

Nag-atubiling sumagot si Rayver.

“Parang ang sensitive kasi magbigay ng advice, lalo na ngayon na medyo marami akong nakikitang issues about ganyan, e, di ba?” aniya patungkol sa mga relasyong may pinagdadaanan ngayong pandemic.

“Ayokong magmagaling, e, di ba? Parang may kanya-kanya namang nangyayari sa buhay ng tao.

“Walang perfect, walang perfect na relationship. Wala ring perfect na tao, di ba?”

Ayon kay Rayver, blessed siya na “happy and quiet” ang relasyon nila ni Janine.

“Palagi ko lang din ipinagdadasal na maayos ang lahat. So, ayun, siguro si Lord din talaga iyon.

“And okay naman, at least, tahimik… Mas okay na po yung tahimik!” sabay tawa niya.

ON FIXING MISUNDERSTANDINGS

Kinunan din namin ng pahayag si Rayver kung paano nila inaayos ni Janine ang kanilang away: inaayos ba kaagad o ipinagpapabukas?

Sagot ni Rayver, “Minsan okay din yung pag-usapan agad. Pero minsan pahupain mo din yung situation.

“Minsan kasi, kapag mainit pa yung situation and pinag-usapan niyo kaagad, ang tendency mag-aaway lang kayo lalo.

Continue reading below ↓

“Or baka may masabi pa kayo sa bawat isa na hindi maganda.

“Mas okay na din minsan yung pahupain muna. Then, just talk about it the next day.

“So, feeling ko, mas okay yung ganoon.”

janine gutierrez rayver cruz breakup

ON BROKEN TRUST

Sa isang previous interview, natanong namin si Rayver tungkol sa loyalty. Ayon sa Kapuso actor, mahirap ibalik ang trust kapag nasira ito.

Continue reading below ↓

Sa aming September 9 interview, inusisa namin ang aktor kung nasira na ba ang kanyang tiwala ng isang tao.

Ayon kay Rayver, wala pa siyang personal experience na sinira ng isang tao ang kanyang tiwala. Pero saksi raw siya sa mga pinagdaanan ng kanyang mga kaibigang pinagtaksilan ng kanilang mga karelasyon.

Lahad ni Rayver, “Feeling ko, hindi mo naman kailangan ma-experience para mapatunayan iyon…

“Kasi once na nag-cheat ka na talaga, mahirap…

“Ang hirap, e, kasi kahit magkaayos kayo nun, pagka bad day kayo pareho, ‘tapos mag-aaway kayo, puwedeng ibalik niya sa iyon ‘yon, e. Masasabi at masasabi niya sa iyo iyon.

“Puwede pa ring mag-work yung relationship, pero nandoon na iyon, hindi na iyon mawawala.”

Pagsang-ayon niya, kailangan alagaan ang tiwala.

“The best thing, huwag niyong sirain ang tiwala sa bawat isa. Kasi, pagka isang pagkakamali lang talaga, mabasag talaga iyan. Hahaha!”

RAYVER ON JANINE’S TEAM-UP WITH PAULO AVELINO

Tinanong din ng PEP.ph noon si Rayver kung pinagselosan niya si Paulo Avelino, ang leading man ni Janine sa ongoing Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You.

Continue reading below ↓

Si Janine ay tinutukso pa kay Paulo.

Bilang aktor, nauunawaan daw ito ni Rayver.

Saad niya, “I totally understand, kasi ever since naman, na kahit na hindi pa kami nagkakilala ni Janine… hindi naman ako talaga parang, ‘Uy, di mo puwedeng gawin iyan,’ o seloso [ako].

“Hindi ganoon ang karakter ko, e. Kasi ganito rin yung work ko, e.

“Siguro dahil sa isang trabaho lang kami, so hindi naman ako ganoon talaga, ever since, kahit kay Janine.”

Kaya wala raw silang limitasyon ni Janine pagdating sa onscreen partnerships nila sa iba.

Dagdag ni Rayver: “May mga tao lang din, mas sila yung nagre-react, yung mga tao sa paligid.

“Ako kasi, alam ko happy kami. Okay kami.

“Bakit pa pakokomplikahin pa yung lahat? Close friends sila [ni Paulo] and iba rin yung rapport nila pagdating sa TV.

“So, suportahan na lang natin yung bawat isa.”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *