Entertainment

ReiNanay contestant, nagkabahay at lupa sa tulong ni Vice Ganda

Natalo man sa segment ng “ReINA ng Tahanan” si Manilyn Malupa ngayong araw, November 17, 2021, para pa rin itong nanalo dahil nagkabahay at lupa na siya.

Si Manilyn, 37, taga-Antipolo, Rizal, ay monthly winner at sumalang uli sa pa-contest ng It’s Showtime para sa mga nanay ngayong Miyerkules.

Masaya niyang ibinalita kina Vice Ganda at sa viewers ng Kapamilya noontime show na mayroon na siyang bahay.

Noong July, marami ang naantig sa kuwento ng single mom na si Manilyn sa “ReINA ng Tahanan.”

Pinasok ni Manilyn ang kung anu-anong trabaho —carwash, online English teaching, kasambahay, at driver—masuportahan lang ang kanyang tatlong anak.

Manilyn Malupa reinanay

Continue reading below ↓

Nang palayasin si Manilyn ng isa sa mga naging amo niya, nangalakal ito ng basura para kumita.

Sinabi rin niyang wala silang bahay kaya naranasan nilang mag-iinang matulog sa lansangan.

Sa episode na iyon noong July, mismong si Vice ang nanawagan sa viewers na abutan ng tulong si Manilyn via online wallet.

Si Vice ay nagbigay ng tatlong cellphone para sa tatlong anak ni Manilyn para sa online classes.

Nangako rin si Vice na magbibigay siya ng products ng kanyang cosmetic line na maaaring ibenta ni Manilyn.

Sinagot ni John Prats, na noon ay naging director ng noontime show, ang online school ng tatlong anak ni Manilyn.

Nagbigay rin ng tulong sina Kim Chiu at Ryan Bang.

Naging weekly winner din si Manilyn.

Sa kanyang pagbabalik makalipas ang ilang linggo, inabot na kay Manilyn ang nalikom na financial help ng It’s Showtime production team mula sa viewers.

Sapat na pera para makabili ng maliit na bahay at lupa si Manilyn.

Continue reading below ↓

Diin ni Manilyn, may lugar sa Antipolo na nabilhan nila ng lupa at mapapatayuan ng maliit na bahay, gamit ang ipinagkaloob na pera sa kanya.

Inusisa ni Vice ang production kung magkano ang pera, pero pinigilan sila ni Kim na sabihin.

Biro pa ni Vice, sasali na lamang siya sa “ReINA ng tahanan” dahil sa na-raise na funds para kay Manilyn.

Mahigpit na pinaalalahanan ni Vice si Manilyn na huwag sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Ngayong Miyerkules, nagbalik si Manilyn, kasama ang iba pang monthly winners para sa kumpetisyon.

Pinasalamatan ni Manilyn si Vice dahil dininig ang kanyang hiling na tulungan siya.

Aniya kay Vice, “Sa tulong niyo kasi kayo po talaga ang nanawagan para tulungan ako ng taong bayan.

“Meron na po kaming sariling bahay na mag-nanay.

“Dati po ang pangarap lang po namin kariton na apat na gulong, pero ngayon maybahay na po kaming mag-nanay.”

manilyn malupa reinanay

Continue reading below ↓

Sa introduction video niya, inisa-isa pa ni Manilyn ang pagbabago sa kanilang buhay.

Bukod sa bahay at lupa, nakabili rin siya ng sidecar na ginagamit sa pagtitinda ng fish ball.

Nagbebenta rin siya ng ukay, pati na rin ang cosmetic items na ipinagkaloob ni Vice.

Nakuha rin siyang stuntwoman at napapabilang sa acting projects. Nagbida pa nga siya sa isang short film.

Hindi pinalad na manalo si Manilyn, pero sa dami ng kanyang nakuha, daig pa niya ang nanalo sa grand finals.

Samantala, sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Manilyn ang development ng ipinapatayong bahay.

Bagamat hindi pa ito tapos, bakas sa boses ni Manilyn ang tuwa niya na maipatayo ang maliit na bahay.

Manilyn Malupa reinanay

Continue reading below ↓

Samantala, naitampok din ang kuwento ng buhay ni Manilyn sa Mission Possible ng ABS-CBN news and public affairs noong May 2019.

Inilahad din niya rito ang hirap ng kanyang pinagdaanan, at inabutan siya ng tulong sa edukasyon ng mga bata at pang-hanapbuhay.

Inilapit din noon ng programa si Manilyn sa Pag-IBIG para matulungang mag-avail ng housing loan.

Inalok noon si Manilyn ng programa ng affordable housing program na walang interes.

Kalahating milyon ang halaga ng package housing program ang inaalok noon kay Manilyn.

Natapos ang episode na iyon na ipinapakitang tumitingin-tingin ng bahay at lupa si Manilyn na maaari niyang upahan at balang araw ay maging pag-aari na sana niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *