Entertainment

Ron Quidep: CEO in Canada who started as farmer, dishwasher

Nagbunga ang pakikipagsapalaran ni Ron Quidep sa Canada.

Currently, siya ang chief executive officer (CEO) ng isang travel and employment consulting agency sa Canada.

Nag-branch out na rin ang kanyang company sa Pilipinas.

Pero bago natamo ito ni Ron, katakut-takot na hirap ang kanyang pinagdaanan, at dumating pa sa puntong gusto na niyang sumuko.

Pero nagbunga ang lahat ng kanyang pinagpaguran.

Mula sa pagiging isang bank executive sa Pilipinas, lumipad patungong Canada si Ron at nakipagsapalaran para sa pangarap na mas magandang buhay.

Nag-umpisa siya sa mga blue-collar jobs, gaya ng farm worker, dishwasher, at cashier sa convenience store, ulat ni Ron Gagalac ng Omni News, noong October 31, 2021.

Sa isang farm sa Pitt Meadows sa British Columbia, Canada, “nagtrabaho po ako dito as a farm worker, tagatabas po ng mga talahib…”

Continue reading below ↓

Pero lumipat ng trabaho si Ron dahil hindi maayos ang pagpapasahod ng naging employer niya.

Pagiging carwash boy naman sa Edmonton ang sinuong niyang trabaho.

Aniya pa. “Then from carwash boy, lumipat ako ng dishwasher sa Earls Restaurant.”

Kalaunan, na-promote si Ron bilang kitchen helper na tagahanda ng mga sangkap na nasa menu.

Paglalarawan niya, “Nagtitimbang ng lahat-lahat ng kailangan sa restaurant. Then na-promote ako as a chef po.”

Pero walang sinayang na sandali si Ron dahil nag-double job siya, “While working as a chef po, nagwo-work din ako sa 7-11 as a food counter [staff] sa Edmonton.”

Nagtatrabaho si Ron noon ng 16 hours a day, six days a week.

Continue reading below ↓

Dahil sa mga pinasukang trabaho noon at mga hirap na pinagdaanan, nag-isip si Ron na bumalik na lang ng Pilipinas.

Naranasan daw niyang sigawan ng kanyang employer noon sa pagka-carwash.

“Siyempre, bago pa lang ako dito. Wala pa akong kaalam-alam,” ani Ron.

“’Tapos uuwi ako sa bahay, tatlong sakay [ng] bus na kailangan kong sakyan para makauwi ako sa nirerentahan ko.”

Naging pahirap din noon ang sobrang lamig habang naghihintay ng bus sa pagpasok at pag-uwi.

“Sabi ko naisip ko noon na, ‘Kakayanin ko pa ba dito?’ Na magkano ang sinasahod ko sa carwash.”

Tinanong niya sa sarili kung sulit ba ang pinagdadaanan niyang hirap at naghangad na umuwi na lang ng Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya.

Pero hindi sumuko si Ron. Tiniis niya ang pagtatrabaho sa Canada.

Naisip niyang magtayo ng sarili niyang travel and employment consultancy.

Aniya, “Nag-start ako ng client namin siguro, lima.

“Sinipagan ko talaga siya mag-advertise nang sarili, sarili kong effort…

Continue reading below ↓

“Nagvi-video, sinasabi ko yung mga accomplishment, lahat-lahat.

“So, doon ako nagi-gain ng clients, hindi lang mga Pilipino, kundi mga Canadians pa na mga business owner…”

Unti-unti, napalaki ni Ron ang kanyang agency: ang Travlink Employment Consulting and Travel Ltd.

Si Ron ang personal na mag-aayos ng kinakailangang visa ng kliyente, magbu-book ng tickets, magbibigay ng travel insurance, at mag-aayos ng hotel reservation.

“So, isang package na po siya,” ani Ron.

Kasama na rin sa ino-offer ni Ron ang paghahawak ng iba-ibang klase ng visa at immigration services.

May misyon si Ron sa kanyang itinayong ahensiya, lalo’t alam niya ang hirap ng isang overseas Filipino worker sa Canada.

“Yung mission ko kasi sa mga kapwa natin Pilipino, hindi lang yung matulungan namin sila na maabot yung visas, but lahat [ng bagay] tinutulungan namin.

“Pagdating nila sa airport, pini-pick up namin. Pagdating nila dito, meron silang accommodation…”

Ina-assess din nila ang iba pang kailangan ng kliyente, gaya ng pag-open ng bank account at iba pang requirement, bago nila simulan ang kanilang bagong buhay sa Canada.

Continue reading below ↓

“So, igina-guide ko talaga sila step by step hanggang maging okay sila.

“Kasi nakita ko yung hirap ko noon sa Canada. Yung pagsisimula ko.

“Gusto ko ring mai-share iyon sa kanila, na pagdating nila dito sa Canada, may taong susuporta sa kanila, since wala pa silang kilala dito, e.”

Continue reading below ↓

Samantala, sa kanyang Facebook account, matutukoy na kasama rin sa serbisyo ng agency ni Ron ang visa at financial consultancy.

Naibahagi niya sa isang post na napetisyon niya ang kanyang dalawang anak at asawa noong November 1, 2014.

Pitong taon na silang magkakasama roon at namamalagi sila sa British Columbia.

Kasunod ng pagkaka-feature niya sa Omni News, sinabi ni Ron na may mga nagpapakalat ng “fake news” na illegal umano ang kanyang kumpanya.

Kaya nag-post siya at ipinakita ang licenses para patunayang “legit” ang kanyang agency.

Bahagi ng post niya: “I love you mga trolls! May the grace and peace of God be with you all!”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *