Entertainment

RS Francisco says Ex Battalion is “kapantay ng BTS” in hip hop

Sa perks na kasama sa PHP35,000 VVIP ticket ng Ex Battalion sa concert nitong EVOLUXION, tila naging ka-level ba nito ang BTS, ang pinakasikat na K-pop group?

Tumango ang concert producer na si RS Francisco at tahasan niyang sinabi na mala-BTS na ang kasikatan ng EXB.

“Of course, alam natin na hindi sila K-pop, pero ang equivalent nila, sila ang talagang hip-hop stars na parang BTS na rin ang datingan nila.”

Maganda raw ang response ng social-media followers ni RS sa grupo.

Aniya pa, “’Yung Instagram ko at saka ang Facebook ko, ang daming nagme-message sa akin dati about Frontrow.

“Pero noong makita na meron akong My Day about EXB, ang dami nang nagme-message sa akin, kumusta si ganito? Ano ba ang latest?

“As in ang dami na talaga na ang grabe ng clamor sa kanila. So masasabi ko na hindi man sila K-pop, pero parang kapantay na nilang talaga ang ano ng BTS.”

Continue reading below ↓

Ang miyembro ng EXB na mapapanood at magpe-perform ay sina Honcho, Skusta Clee, Flow-G, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, Jroa, Yuridope, Kekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent, at E.I.J.

Ang nakikita ni RS na magiging malaking challenge para sa grupo ay ang kawalan ng audience sa online concert.

Lahad niya, “Mahirap talaga ang ginawa namin, and, in fact, noong kino-conceptualize namin ito, I had to repeatedly tell myself na these boys or these rap artists na sanay mag-perform sa libu-libong tao, e, magpe-perform sa isang Araneta Coliseum na wala pong laman.”

Ang huling company event ni RS sa Araneta Coliseum ay noong 2019, na aniya, “55,000 people ang audience namin.”

Dugtong pa ng businessman, “Yun po ang pinanggalingan namin, so I had to repeatedly tell myself and the EXB, ‘Kaya natin ito. Ito ang kailangan nating malagpasan.’

“Of course, being an actor myself, a theater actor, I get it from the audience energy and, I’m sure, ganoon din sila.”

Continue reading below ↓

Naalala pa raw niya noong manood siya ng concert ng mga ito sa Antipolo City at paglabas pa lang, isang linya pa lang sa kanta, nagsisigawan na ang mga tao.

Pero kahit pa pandemya, isa sa naging driving force ni RS na ituloy ang online concert ng Ex Battalion ay para mapasaya ang fans ng grupo.

Sabi niya, “Kasi, alam natin na dahil sa pandemic, maraming nalulungkot. Maraming naaapektuhan. In fact, isa na po ako roon.

“Nagkakaroon po ako ng anxiety. Pgdating ng gabi, iniisip ko, saan ba ‘ko nagpunta, ‘yung tumabi sa akin, may COVID ba ‘yan, asymptomatic ba ‘yan.

“Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Sa tuwing mangyayari sa akin iyon, ino-on ko na lang ang speaker ko, tapos nagpi-play na lang ako ng mga music, especially mga kanta ng EXB.

“At doon ko na-realize na, ‘Oo nga, siguro sa panahon na ito, yung music ng EXB talaga ang magla-liven up sa akin.’

Continue reading below ↓

“Kasi, yun ang nangyari sa akin. It lifts my mood, and, I’m sure, hindi lang ako ang ganito. A lot of people who are experiencing all these things sa bahay nila.

“Kahit paano, makakatulong kami at mala-liven up ang spirits nila.”

Gaganapin sa Araneta Coliseum ang digital concert ngayong December 11, 2021, at mai-stream nang live sa ktx.ph.

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *