Entertainment

Saudi’s camel beauty contest disqualifies 40 camels enhanced with Botox, cosmetic procedures

Nadiskubre at natimbog ng mga awtoridad sa Saudi Arabia ang isang malaking dayaan sa isang prestihiyosong “beauty pageant.”

Ginamitan kasi ang contestants ng Botox at iba pang artificial at cosmetic procedures para magmukhang magaganda.

Pero ang contestants ay hindi mga babae kundi mga camel.

Ang King Abdulaliz Camel Festival ay isang prestigious annual beauty pageant ng camels sa Saudi Arabia.

Itinuturing na malaking event ang camel festival na ito dahil tumataginting na $66M (katumbas ay PHP3.3 billion) ang kabuuang cash prize sa patimpalak. Isang multi-million-dollar industry sa Middle East ang camel breeding.

Ang month-long celebration ay paligsahan ng “most beautiful camel,” at may iba pang activities tulad ng camel racing, camel milk tasting, at camel selling.

Paraan ito para ma-preserve ang mahalagang papel ng camel sa tradisyon at kultura ng rehiyon.

40 CAMELS HAD BOTOX, COSMETIC PROCEDURES

Ngayong December sinimulan ang taunang camel festival.

At dahil milyun-milyong dolyar ang nakasalalay, may mga camel breeders ang nandaya.

Continue reading below ↓

Nagsagawa ang Saudi authorities ng kanilang “biggest-ever crackdown” sa festival.

Nadiskubre nilang may owners na ginagamitan ng Botox injections at iba pang cosmetic alterations ang kanilang camel para mas pagandahin ang itsura.

Sa ulat ng Saudi Press Agency (SPA) noong nakaraang linggo, higit 40 camels ang na-disqualify sa patimpalak, mula sa tinatayang libo-libong camels na sumasali sa festival na ito.

Bukod sa Botox injection, mayroon ding gumagamit ng collagen bilang fillers para magmukhang malaki ang mga labi ng camels.

Gumagamit din ng hormones at rubber bands para pagandahin ang itsura ng muscles ng mga hayop.

Sa pagdya-judge ng camels, tinitingnan ang ulo, leeg, humps, posture, at costume nila.

Gumagamit naman ng “specialized and advanced” technology ang committee para matukoy ang mga artificially enhanced camels.

Ulat ng SPA, “The club is keen to halt all acts of tampering and deception in the beautification of camels.”

Magpapataw rin ang organizers ng “strict penalties on manipulators.”

Samantala, hindi naman ito ang unang beses ng pandaraya sa naturang festival.

Noong 2018, 12 camels ang na-disqualify dahil sa ganito ring pandaraya, ulat ng BBC.

Ito ay matapos mahuli ang isang veterinarian na ginamitan ng Botox ang kanyang mga camels.

Siniseryoso naman ng mga hurado ang patimpalak na ito dahil ang camel ay “symbol of Saudi Arabia.”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close