Entertainment

Singapore makes it to Top 16 of Miss Universe 2021

Ipinagdiwang ng bansang Singapore ang Top 16 finish ng kanilang kandidatang si Nandita Banna sa katatapos lamang na Miss Universe 2021 na ginanap sa Eliat, Israel.

Tatlumpu’t apat (34) na taong walang placement ang Singapore sa annual beauty pageant kaya naman labis ang kanilang tuwa na sa wakas ay muli silang nakabalik sa semi-final round ng pageant.

Ang huling nakapasok sa semifinals ng Miss Universe mula Singapore ay si Marion Nicole Teo noong 1987, kung saan ginanap ang pageant sa kanilang bansa.

Sa ika-70 edisyon ng Miss Universe, nakapasok sa Top 16 si Nandita.

Makikita sa kanyang reaksiyon na ikinabigla niya ang pagtawag sa kanyang bansa.


Sa Instagram, labis-labis ang pasasalamat ni Nandita sa mga taong tumulong sa kanyang narating sa pageant.

Mensahe niya: “WE DID IT, TOP 16 at @missuniverse 2021 after 34 years (just like I said in my post before hehe)

“hearing @iamsteveharveytv with his booming voice say SINGAPORE, was such an emotional moment for me—the shock on my face was so real [tired face emoji]

“It’s always been my DREAM to make a big impact with Singapore’s name and I am so honoured that I got the opportunity to achieve it—I was in disbelieve that I actually did it [grinning face with star eyes, loudly crying face emojis]

“Thank you to the judging panel and @missuniverse for recognising my hard work and helping me show to the world how talented and amazing the people of Singapore can be

“love you Singapore and I can’t wait to be back

“More thank yous coming up in my next post”

Continue reading below ↓


Labis din ang kasiyahang naramdaman ng national director ng Miss Universe Singapore na si Valerie Lim sa kanilang tagumpay.

Pahayag nito sa kanyang Instagram post: “So many emotions and so many people to thank as @iamsteveharveytv announced SINGAPORE after 34 years. Our last placement at @missuniverse was in 1987.

“Out of 80 contestants, we finally cracked top 16. Could not have happened to a more deserving woman. So so proud of how much @nxndita has grown, and cannot wait to see what the Universe has in store. [crown emoji]”


Si Nandita ay roommate ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

Nakaabot si Beatrice hanggang sa Top 5.

Ang kandidata ng India na si Harnaaz Kaur Sandhu ang itinanghal na Miss Universe 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.




Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close