Entertainment

Social media, secret weapon ng mga celebrities?

Ang social media ang isa sa mga dahilan kaya unti-unting nang nawawala ang mga manghuhulang nagbibigay ng kanilang “fearless forecasts” tungkol sa mga mangyayari sa buhay at career ng mga artista tuwing nag-uumpisa ang bagong taon.

Nakaapekto rin sa kredibilidad ng mga manghuhula ang kanilang mga generic prediction tulad ng pagbubuntis ng isang aktres, showbiz couple na maghihiwalay at veteran stars na babawian ng buhay.

After all, taun-taon nga naman ay hindi nawawalan ng mga aktres na nagbubuntis, mag-asawang artistang naghihiwalay at mga showbiz personality na nagpapaalam dahil sa old age.

Naging kakumpitensya na rin ng mga manghuhula ang mga artistang gumagawa ng sariling kapalaran gamit ang mga social media account nila.

Sa tulong ng social media, may kakayahan ang lahat, hindi lamang ang artista, para baguhin ang kuwento, maghiganti at papaniwalain ang publiko sa mga bagay na walang katotohanan para hindi masira ang kanilang pagkatao at showbiz career.

Nagawa ng ibang mga aktres, gaya nina Sofia Andres, Janella Salvador at Elisse Joson, na itago ang pagbubuntis, dahil habang lumulobo ang mga tiyan nila, ang mga lumang litrato ang kanilang ipinu-post sa social media, para maitago sa publiko ang tunay nilang kalagayan.

Continue reading below ↓

Sila ang mga aktres na inilihim sa publiko ang pagdadalang-tao pero matapos umamin na nagsilang sila ng sanggol, buong pagmamalaki na ibinabahagi sa kanilang social media accounts ang larawan ng bawat kilos ng mga anak nila.

Nang maglabas ng blind item ang PEP tungkol sa pagbubuntis ng aktres na naghatid ng karangalan sa Pilipinas, isa si Winwyn Marquez sa mga pinagdudahan, pero nalito ang mga tao dahil ang mga video kunsaan sumasayaw siya at sumasali sa karera ng kotse ang mga pinu-post niya sa kanyang Instagram account.

Pinanindigan ng PEP ang blind item report tungkol sa aktres na buntis at makalipas ang dalawang buwan, inamin ni Winwyn sa isang presscon na anim na buwan na ang sanggol na dinadala niya.

Mabilis na nakarating kay Winwyn na isa ito sa mga suspect tungkol sa aktres na buntis dahil siya mismo ang nagsabing may mga nag-tag sa kanya ng link ng PEP report.

Continue reading below ↓

Sa pagpasok ng 2022, hindi na kailangan ng isang magaling na manghuhula na magsasabing magpapatuloy ang mga artista sa paggamit ng kanilang mga social media account para mapag-usapan dahil ito na ang bagong kultura na nakasanayan nila.

Siguradong masusundan pa ang mga showbiz personality na katulad ni Jennica Garcia na nag-post ng mga sunud-sunod na cryptic message tungkol sa sitwasyon ng pagsasama nila ni Alwyn Uytingco pero tumatanggi na magpainterbyu.

Hindi puwedeng sisihin si Jennica sa paraang ginawa nito dahil siya ang may-ari ng social media account na ginamit niya.

Nakikiusyoso lang ang mga taong hindi naman napigilan ang mga sariling magbigay ng mga komento dahil sa kanilang paniniwalang public property ang mga artista kaya may karapatan silang magbigay ng opinyon.

Again, hindi kailangan ng mahusay na manghuhula para hindi natin mahulaan na ngayong 2022, madaragdagan na naman ang mga sampu-samperang beauty pageants sa Pilipinas dahil obsessed ang maraming kababaihan na makita sa social media ang kanilang mga larawan na may suot na korona o sash.

Continue reading below ↓

Siguradong-sigurado rin ang mga pamamayagpag ng sangkatutak na award-giving bodies na questionable ang mga kredibilidad dahil hindi karapat-dapat ang karamihan sa mga showbiz personality na ginagawaran nila ng mga parangal.

Speaking of awards, isang self-proclaimed influencer na tumanggap ng award ang nagalit dahil hindi niya nagustuhan ang komento ng isang netizen tungkol sa kanyang post.

Napangiti na lamang kami nang mabasa namin ang wagas na pang-iinsulto ng influencer sa inaaway nito na tao dahil sa pagkakaroon niya ng “selective amnesia.”

Selective amnesia dahil tuluyan nang ibinaon ng influencer sa limot ang kanyang masalimuot na nakaraan.

Kung isasalin sa pelikula ang karanasan ng influencer, maihahanay sa mga kuwento ng Gone Girl at Catch Me If You Can ang makulay na kasaysayan ng kanyang buhay.

On the other hand, ang pagiging matapat at pagpapakatotoo sa mga tagahanga ang paulit-ulit na bukambibig ng ilang mga celebrity.

Sila ang mga showbiz personality na may drama na bukas na libro sa publiko ang mga nangyayari sa kanilang mga buhay dahil utang na loob nila sa mga tao ang popularidad na kanilang tinatamasa.

Continue reading below ↓

Pero kung susuriing mabuti, ang pagpapanggap na pagiging matatapat ang kakayahan at paraan na alam ng mga sangkot na celebrity para siraan at hiyain sa social media ang mga taong hindi nila makontrol at nilayasan sila dahil hindi na matiis ang kanilang manipulative character.

May kinalaman din ang social media kaya nalaman ng publiko na nakarelasyon noon ni Pops Fernandez sina Aga Muhlach at Piolo Pascual dahil sa “Jojowain o Totropahin Challenge” na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Marami ang naging mapangahas dahil ito ang natutunan nila sa quotang-quota na paggamit nila ng social media.

Hindi imposibleng dumating ang araw na mag-evolve sa mas matinding challenge ang “Jojowain o Totropahin” kaya hindi tayo dapat magulat kung “Juts or Daks” na ang mga hamon na sasagutin ng mga female celebrity sa kanilang mga personal vlog tungkol sa mga aktor na nakarelasyon nila.

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close