Entertainment

Sports journalist accuses Pacquiao of not paying his services


Lumikha ng ingay ang Facebook post ng beteranong sports journalist na si Snow Badua kahapon, October 17.

Inakusahan niya si Senator Manny Pacquiao na hindi umano nagbayad ng kanyang serbisyo noon.

Ibinahagi ni Badua sa kanyang Facebook ang artikulo ng GMA News tungkol sa pamamahagi ng pera ni Pacquiao sa pagbisita nito sa Batangas noong October 14.

Sabi ni Paquiao sa artikulo tungkol sa diumano’y maagang pamimili niya ng boto, “Mula noon hanggang ngayon, may eleksyon man o walang eleksyon, habit ko na mamigay pag nakita ko may nangangailangan, nagugutom.”

Tumatakbong presidente si Pacquiao sa 2022 elections.

Kalakip ng post ni Badua ay ang rebelasyon nitong tatlong buwan siyang nagtrabaho bilang speech writer ni Pacquiao sa senado.

Nagsilbi rin siyang commissioner ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ng tatong buwan, mula August hanggang November 2017.

Pagmamay-ari ng athlete-politician ang nasabing basketball league.

Bukod sa hindi pagbabayad sa kanyang serbisyo, nag-abono pa raw si Badua sa mga meeting para sa liga.

Continue reading below ↓

Saad ni Badua: “FYI.

“Di pa ko bayad ng 3 months as Senate speech writer mo and 3 months as MPBL commissioner.

“Tapos nag abono pa ko sa mga meeting ng mga would be team owners sa mga restaurant na mamahalin gaya ng Mario’s, Via Mare, Annabel’s at iba pa.

“Kami rin nag abono sa bayad ng mga pobreng events team na nagblock ng schedule tapos apat na beses mo pinakansel opening ng MPBL noon.”

Birada pa niya sa Pambansang Kamao: “Ganun ka kagulo magmando sir.

“Walang sistema. Ayaw sumunod sa payo. Kung ano lang maisipan mo.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Badua, isa pang dating malapit na tao kay Pacquiao ang nagbunyag ng masamang karanasan umano nito sa Pambansang Kamao.

Ayon kay Jayke Joson, siya at ang business manager ng boksingero na si Arnold Vegafria at tinakbuhan umano ni Pacquiao ng milyones na halaga.

Tumiwalag na rin sa kampo ni Pacquiao ang dati niyang malapit na kaibigan na si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Pacquiao sa mga rebelasyon nina Snow at Jayke.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang panig.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *