Entertainment

Stevie posts “receipts” of sister Andi’s apology to Albie

Nagpakita ng pruweba si Stevie Eigenmann na humingi ng tawad ang kapatid na si Andi Eigenmann kay Albie Casiño.

Reaksiyon ito sa sinabi ng aktor sa isang livestream interview sa Kumu app noong October 26, 2021, Martes, na hindi kailanman humingi ng tawad si Andi kay Albie.

Wala mang binanggit na pangalan si Stevie sa kanyang caption sa Instagram Story kahapon, October 30,2021, pero kitang-kita ang pangalang “Albie Casiño” sa screenshot na ipinost ng kapatid ni Andi.

Mababasa sa screenshot ang paghingi ng tawad ni Andi kay Albie sa pamamagitan ng Twitter noong nakaraang taon.

Saad ni Stevie sa kanyang post, “ooops. Accidentally publicly posted receipts. Happy Halloween weekend [clowns emojis] no ill will [emoji]”

Matatandaang noong nakaraang taon, September 2020, ganito rin ang sinabi ni Albie.

Isang netizen ang nagtanong kay Andi matapos niyang ianunsiyo sa YouTube video na ipinagbubuntis ang kanyang pangatlong anak: “nagsorry ka na ba kay albie? charot”

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Albie ang screenshot sa kanyang Instagram account at sinabing, “hindi pa [emojis]”

Isang showbiz source ang nagkumpirma noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-reach out si Andi kay Albie nang muling maungkat ang isyu.

Ang “receipts” na binanggit ni Stevie sa kanyang post ay tungkol sa dating exchange nina Albie at Andi.

Mababasa ritong personal na humingi ng tawad si Andi kay Albie nang magkita sila sa isang bar sa Bonifacio Global City ilang taon na ang nakakaraan.

Bahagi ng mensahe ni Andi kay Albie, “You even hugged me after I said sorry to you at pool club X years ago and said that it was ok [emoji].”

Kasunod nito ay muling nag-apologize si Andi sa mga naganap sa pagitan nilang dalawa ni Albie.

Aniya, “Awww but regardless, (just incase you don’t remember), i can defend myself to others had i ever wished to do so, but it doesn’t mean you don’t deserve a better apology.

Continue reading below ↓

“The person you met once before was very young, and lost, and quite obviously a completely different person from who I am today, so on behalf of the old me, i apologize, albie!

“Sorry for all that volatility I may have caused you in the past, and for being so young and naive, dragging you into something you were never supposed to be a part of.

“I sincerely hope that you too, are in good place right now, and that you and your family are well and great. Hope that we can put that behind us now. All the best to you!”

Makikita sa screenshot ang sagot ni Albie kay Andie: “Yo I remember that to the tee you hit me with ‘masaya ka na Hindi sayo’

“I never asked for an apology and I never really needed one. I dint mean any ill will with the post that’s why I cropped you out of it

Continue reading below ↓

“I thought it was hella funny, I look at it like we’ve both moved on and we’re both different people now.

“I just thought I’d have a laugh about it, cuz if we can’t laugh about our past hardships in life it’s kinda like being a slave to the moment still.

“Again no ill will or hard feelings, congrats on the baby”

Samantala, binanggit rin ni Stevie ang katagang “no ill will” sa caption ng Instagram Story niya.

Andi Eigenmann, Stevie Eigenmann, Albie Casino

Continue reading below ↓

Nauna nang nag-react si Jaclyn Jose sa sinabi ni Albie tungkol sa kanyang anak na si Andi.

Matatandaang hindi naging maganda ang hiwalayan nina Albie at Andi noong 2011.

Noong pumutok ang balitang buntis si Andi, si Albie ang itinuro niyang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Nag-deny noon si Albie, na naapektuhan ang budding career dahil sa bad press na inabot ng isyu nila ni Andi. At that time, isa siya sa ginu-groom na leading man ng ABS-CBN.

Nagkaroon pa ng insidenteng nabugbog si Albie nang mag-krus ang landas ng dating makasintahan noon 2012.

Taong 2016 naman nang isiniwalat ni Max Eigenmann, kapatid ni Andi, na si Jake Ejercito ang ama ni Ellie.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *