Entertainment

Sylvia Sanchez on son Arjo Atayde’s congressional bid

Aminado si Sylvia Sanchez na isang malaking dahilan sa pagtakbo ng anak na si Arjo Atayde bilang kongresista sa unang distrito ng Quezon City ang pagkaka-deny ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Sina Sylvia at Arjo ay parehong Kapamilya artists.

July 10, 2020, tuluyang ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises ang renewal application ng Kapamilya network ng kanilang panibagong prangkisa.

Ayon sa ulat ng PhilStar.com kagabi, October 25, sinabi ng beteranang aktres na high school pa lang si Arjo ay nais na nitong maging pulitiko, na noong una ay kanyang tinutulan.

Pero wala na raw siyang magagawa ngayong desidido na ang 30-anyos na anak na sumabak sa pulitika.

Saad ni Sylvia, “Actually, kung ako ang tatanungin, ayoko. Alam ng anak ko yun at alam ni Enchong [Dee] yun. Nag-uusap kami diyan ni Enchong.

“Ayoko, pero gaya nga ng sabi ko, anak ko ‘yan, e. Wala akong magawa kundi suportahan na lang ang anak ko.”

Continue reading below ↓

Napaliwanagan na rin daw siya ni Arjo kung bakit ito papalaot sa pulitika.

Aniya, “High school pa lang nagsasabi na siya, ‘Gusto kong manungkulan, Mommy.’

“Sabi ko, ‘Makakatulong ka naman kahit wala ka sa puwesto.’

“Sagot niya, ‘Mas makakatulong ako pag nasa puwesto ako, Mommy.’ Yun yung totoo.”

Isa raw sa nais isulong ni Arjo sa Kongreso ang pagpapasa ng bagong prangkisa ng Kapamilya network.

Sabi ni Sylvia, “Yes, because of ABS. Isa ‘yan sa reasons.

“Okay na, nanahimik na siya nun. Hanggang nang magsara ang ABS. Dun talaga.

“Yun ang pinakatalaga, dun siya nalungkot, nagalit, nalungkot siya sa lahat ng Kapamilya.

“Sa mga kaibigan sa loob, mga pamilya, lahat-lahat, natanggalan ng trabaho tapos pandemic pa. Yun talaga ang isa sa pinakarason niya.”

Sa ngayon, labis daw ang suporta ni Sylvia sa adhikain ng anak na makatulong sa mga tao.

Saad ng aktres, “Magandang rason yun kasi sabi nga niya, ‘Ma, andaming naghihirap, andaming kawawang kapamilya. Gusto ko lang silang tulungan…

Continue reading below ↓

“‘[Mommy], mahirap talaga, pero sana walang maghihirap sa gitna ng pandemya.’

“So, nakikita niya yung paghihirap lahat kaya mas pursigido siya na tumakbo.”

“QC NEEDS HELP.”

Sa kanyang verified Facebook account noong October 8, ilang oras matapos siyang magsumite ng kanyang certificate of candidacy (COC), nagpaliwanag si Arjo kung bakit siya kakandidato sa kanilang distrito.

Aniya, “People ask me why I’m running for congress?

“Pandemic has taught me a lot of things. This time given the reality — I think more than brains, more than the knowledge, we need leaders who have dignity, who have the heart. May malasakit sa kapwa. Yun talaga ang importante.

“Public service should no longer be mediocre, di na dapat tayo makuntento sa ‘pwede na’ or ‘ok na yan!’

“We are up against the wall with this pandemic. We are one of the countries with poor Covid-19 response.

“They say that longer experience in public service equates to good governance. But the question is, nararamdaman ba ito ng ating mga kababayan?

Continue reading below ↓

“This is a serious matter and we need serious people to handle this. QC needs help! Let me be the catalyst of change in District 1, Quezon City!”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *