Entertainment

Target Achieved! National ID meron nang 50 million registrants

Naabot na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang target na bilang ng mga magpaparehistro para sa national ID ngayong 2021.

Sa ulat na inilabas ng ahensiya noong December 14, 2021, nasa 50,014,382 Pinoy ang nakakumpleto na ng kanilang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration hanggang noong December 11.

PSA soc-med card announcing it hits the 50M target national ID registrants for 2021

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, “The PSA salutes all those who contributed to this milestone for the PhilSys Step 2 Registration.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Notwithstanding the pandemic and the restrictions that came with it, the PSA—together with its field offices, partner agencies, and key stakeholders—worked relentlessly to ensure that more Filipinos can begin registering for their PhilIDs.”

Hanggang noong December 10, nasa 4,414,393 Pinoy ang nakatanggap na ng kanilang PhilID cards.

Sinabi ng PSA na ang PhilID cards ay magkakaroon ng digital version sa pamamagitan ng ilulunsad nitong PhilSys mobile app.

Ang digital version ay magagamit na ng mga nagparehistro sa mga transaksiyon habang hinihintay ang kanilang actual PhilIDs.

Tiniyak naman sa publiko ni Assistant Secretary Rosalinda P. Bautista, ang deputy national statistician ng PhilSys Registry Office (PRO), na patuloy na magsasagawa ang PSA ng mga programa sa pamamagitan ng field offices nito para mas marami ang makapagparehistro sa PhilSys sa 2022.

Pahayag ni Bautista, “We remain steadfast in our efforts to continue registering the general population.

“This coming 2022, the PSA hopes to establish partnerships with more government agencies and private groups to provide Filipinos, resident aliens, and even Overseas Filipinos the convenience of PhilSys registration.”

Mananatili namang bukas ang mga PhilSys registration sites hanggang sa nalalabing working days ng 2021 para mas madagdagan pa ang bilang ng mga nagparehistro.

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close