Entertainment

Vice Ganda and Ion Perez answer who loves who more

Kasabay ng kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkarelasyon, nagpunta sina Vice Ganda at Ion Perez sa Central Park sa New York habang nasa Amerika ang dalawa at kanilang grupo.

Doon nila isinagawa ang kanilang vlog na may titulong Who’s Who Game sa Central Park New York na inilabas sa YouTube channel ng singer-comedian kahapon, November 18.

Ilan sa mga tanong sa kanila ay tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Isa na rito ay kung sino raw ang unang bibitaw sa kanila ni Ion.

Vice Ganda Ion Perez New York celebration

Continue reading below ↓

Sagot ni Vice, “Siyempre, hindi ako. Ako ha, personally, hindi ko nararamdaman sa amin yun.

“Sa puntong ito ngayon, ha, kung gaano ka-intense yung samahan namin, kung gaano ka-intense yung feelings namin sa isa’t isa, hindi ko ’yan nararamdaman na mangyayari any time soon.

“At hindi ko alam, hindi ko yun nararamdaman na kaya ko ’yang gawin at hindi ko ‘yan nararamdaman na kaya siyang gawin ni Ion.

“Kaya for me, sa ngayon, ha, kung gaano to ka-intense, parang walang bibitaw.”

Maiksing sundot ni Ion, “Hindi rin ako. Iisa lang napi-feel natin sa nararamdaman natin.

“Wala din, ganun din.”

WHO LOVES WHO MORE?

Naitanong din sa dalawa kung sino ang mas higit na nagmahal kanino?

Vice Ganda Ion Perez New York celebration third anniversary

Continue reading below ↓

Saad ni Vice, “Parang hindi naman nasusukat yun.

“Parang hindi ko puwede ikumpara kung mas malalim yung pagmamahal ko dun sa lalim ng pagmamahal niya.

“Parang hindi ko rin masasabi na mas mahal ko siya kaysa sa mahal niya ako.

“Mas mahal niya ako kaysa mahal ko siya? Kasi siya naman, nakikita ko, ibinibigay niya kung anong kaya niyang ibigay.

“Ako din naman, ibinibigay ko kung anong kaya kung ibigay.”

Dagdag pa ng It’s Showtime host, “deserve” niya ang pagmamahal na natatanggap niya mula kay Ion.

Aniya, “Natatanggap ko naman yung deserve ko. Siya din naman, I give him the best what he deserves.

“Hindi yun nasusukat, pero nalalaman mo kung sinsero o hindi, di ba?

“Malalaman mo kung sinsero o hindi, pero kung gaano kalalim, kung gaano ka niya kamahal, hindi yun nasusukat.

“At saka parang hindi na mahalaga kung sino ang mas lamang, ang mahalaga pareho kaming nagmamahal.

Continue reading below ↓

“Ang mahalaga, yung minamahal ko, mahal ako. Kung yung mahal ako, minamahal ko din.

“Ang mahirap kasi diyan, ikaw lang ang nagmamahal. Pero kung pareho kayong nagmamahal, sapat yun.

“Hindi ko na ikukumpara yung marami ba akong ibinigay o marami siya.

“Mas masarap ba yung pagmamahal ko o mas masarap yung sa kanya? It won’t matter.

“Ang may value lang ay yung thought lang na pareho kaming nagmamahal.”

Hindi naman daw maipaliwanag ni Ion kung gaano niya kamahal ang partner.

Saad niya, “Para sa akin, sabi ko nga, di ko ma-explain, e.

“Basta ako, binibigay ko lang yung… itong buong pagkatao ko.

“Ginagawa ko lang yung dapat, ginagawa ko lang yung alam kong mapapasaya kita, mapapaligaya kita.

“Yung buong puso, ginagawa ko lahat. Basta di ko ma-explain, e, basta mahal ko siya.”

Ipinagdiwang nina Vice at Ion ang kanilang third anniversary noong October 25.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *