Entertainment

VIRAL: Pregnant majorette’s baton exhibition

Pinagkaguluhan sa social media ang baton exhibition ni Nicole Caimoy-Marbella.

Bukod kasi sa bihasa siya sa pagwasiwas, paghagis sa ere, at pagsalo sa kanyang mga baton sa magkabilang kamay, seven month pregnant din siya.

Kaya habag all-out ang [erformance niya habang tumutugtog ang isang marching band sa likod niya, hindi napigilan ng kumukuha ng video na sumigaw ng, “Ate, yung bata!”

pregnant exhibition

Continue reading below ↓

Nangyari ang performance ni Nicole noong Linggo, January 23, 2022, sa fiesta sa Barangay Kay Buto, Tanay, Rizal.

Si Nicole ay band leader at soloist kaya’t bihasa ito sa baton twirling, gaya ng ipinamalas habang tumutugtog ang San Ildefonso Band ’78.

Sa ulat ng Frontline Pilipinas noong January 26, 2022, tiniyak naman ni Nicole na ligtas ang kanyang ipinagbubuntis nang gawin niya ang exhibition.

“Na-excite lang ako, kasi sila yung unang nag-perform,” ani Nicole tungkol sa mga bandmates, gaya ni Sharmaine Federizo, na siyang kumuha ng video.

Sabi ni Nicole, “After nila noon, ako naman.

“’Yung iba rin, nire-request lagi. Sabi ko, ‘Sige, okay na iyon, go tayo.’

“Natuwa din lang ako kaya ginawa ko din siya.”

Pagtatanggol ni Sharmaine, nagbibiro lang siya nang isigaw niya ang “Ate, yung bata!”

Ani Sharmaine: “Hindi po namin in-expect na magiging ganoon yung resulta nung may pagbato-bato pa ng baton.”

pregnant baton exhibition

Continue reading below ↓

Para kay Nicole, sisiw lang ang exhibition na ipinamalas niya, at para lang siyang nag-exercise. Ginanahan lang daw siya nang marinig ang tugtugan.

“Pagka sa bahay lang ako, yung basic routine lang yung ginagawa ko, kaso nung time na dito na yung fiesta, iba na yung nagawa ko.”

Sa katunayan, champion si Nicole sa iba’t ibang majorette competitions noon, at nagsisilbi na siyang trainer ng mga bagong majorettes ng banda sa kanilang lugar.

pregnant baton exhibition

Continue reading below ↓

NIcole used to be a soloist and a champion in baton exhibition before getting pregnant.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close