Entertainment

Wilbert Ross on support that he gets from Vice Ganda

Anak-anakan ang trato ni Vice Ganda sa former Hashtags member na si Wilbert Ross kaya isa comedian-TV host sa mga pinadalhan ng mensahe ng 24-year-old singer-actor nang unang lumabas ang trailer ng Crush Kong Curly, ang sexy-comedy movie na pinagbibidahan nila ni AJ Raval.

Kuwento ni Wilbert, “Nung lumabas ang trailer, sabi ko, ‘Hi Ma, bida na ako.’ Sabi niya, ‘Wow!’ Nag-congrats siya sa akin.”

Nilinaw rin ni Wilbert ang kontribusyon ni Vice sa kanyang showbiz career.

“Actually, si Ganda, pagdating sa mga ganyang bagay, hinahayaan niya kami na mag-strive hard for that.

“Kapag nasa show niya mismo, yung harap-harapan, binibigyan niya kami ng chance. Like sa GGV [Gandang Gabi Vice], chance to sing, chance to talk, para makita ng mga tao.

“Pero pagdating sa mga connect-connect, so far, walang ganoon.

“Ang alam ko kay Ganda, gusto niya na mag-strive hard kami para maabot yung gusto namin, hindi yung may tulong niya.

Continue reading below ↓

“Pero always siya na nandiyan to support us.”

Matagal na naghintay si Wilbert bago siya nabigyan ng oportunidad na magbida sa pelikula. Pero hindi niya naisipang talikuran ang entertainment industry dahil may sarili siyang paniniwala.

“Never sumagi sa isip ko na mag-quit kasi feel ko, until buhay ako, may chance,” deklarasyon ni Wibert.

Masaya rin si Wilbert para sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng ibang mga miyembro ng Hashtags tulad ni McCoy de Leon, na umamin kamakailan na may anak na kay Elisse Joson.

“We’re ready to move on sa kanya-kanya naming mga karera. Happy ako na yung mga kagrupo ko ngayon, kung ano yung gusto nila, yun ang parang napuntahan nila.

“I’m so happy for McCoy de Leon. Yung sa kanila kasi ni Elisse, pang-movie talaga na love story.

“Like, from PBB to real-life, nag-break man, nagbalikan, tapos ngayon may baby na. Sobrang happy ko para sa kanya.”

Continue reading below ↓

Postscrip: Nagpasalamat si Wilbert kay AJ dahil sa pag-alalay nito sa kanya sa shooting nila para sa Crush Kong Curly.

Nang kunan ang kanilang kissing scene, ikinuwento ni Wilbert na sinabihan siya ni AJ ng “Tingnan mo ako sa mata. Isipin mo na in love ka sa akin.”

aj raval wilbert ross crush kong curly

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *