Entertainment

Ynez Veneracion on Toto Mangudadatu, daughter bonding

Malaki ang pasasalamat ni Ynez Veneracion sa ex-partner na si Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu dahil hindi pa rin ito nakakalimot sa obligasyon nito bilang ama sa kanilang anak.

Sina Ynez at Toto ay may isang anak na babae—si Princess Keilah del Rosario, 10.

Ynez Veneracion bonding with ex-partner Toto Mangudadatu, daughter Keilah

Continue reading below ↓

Ngayong Lunes, December 27, masayang ibinahagi ni Ynez sa kanyang Instagram account ang lunch date ng mag-ama kasama siya.

Hindi maitago sa mga larawan na na-miss ng mag-ama ang mag-bonding.

Sabi ni Ynez sa caption: “Had lunch at Greenbelt 3 with her papa Toto. [heart emoji] Thank you for spending time with us & also for being such a good father to Keilah.

“She missed you so much & was so happy to see you. Until next time. Stay safe & healthy gov. Allah bless you. [praying hands emojis]”


Taong 2010 nang napabalitang nagdi-date at nagkaroon ng relasyon si Ynez at ang noo’y Maguindano governor pang si Toto Mangudadatu.

Makalipas ang isang taon, noong 2011, isinilang ni Ynez ang anak nila ni Toto.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres noong August 24, 2021, sinabi nitong niyaya siya noon ng kasal ni Toto ngunit tinanggihan niya.

Paliwanag ng aktres, “Kasi alam ko naman na maghihiwalay din kami dahil hindi ko kakayanin na madami kaming asawa.”

Pinapayagan ang isang Muslim na magkaroon ng hanggang apat na asawa.

Bukod sa ayaw ni Ynez na madami sila, binantaan pa diumano siya ng isa sa asawa ni Mangudadatu noon.

Ikinasal naman si Toto kay Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel noong August 25, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.




Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *